^

PSN Opinyon

ConCon sa economic provision, suportahan  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA panahon ngayon na unti-unti nang sumisigla ang kalakalan at nakakalabas na ng mga tahanan itong ating mga kababayan matapos na lumuwag ang standard health protocols ng pinaiiral ng Inter-Agency Task Force sa patuloy na pagbaba mga kaso ng COVID-19 sa bansa, magiging makatotohanan ang ginagawang foreign visits ni Pres. Ferdinand Marcos Jr para makaahon ang ekono­miya ng Pilipinas. Siyempre ang makikinabang nito ay itong ating mga manggagawa na naapektuhan ng pandemya. Kapag pumasok na ang mga investor, magkakatrabaho ang maraming Pilipino.

Kaya naman may mga kababayan tayo na nagpapahayag ng kanilang suporta sa programa ni Marcos Jr. upang mahikayat ang mga foreign investor na makapagtayo ng kanilang mga negosyo upang magkaroon ng hanapbuhay ang mga Pinoy. Ang kailangan lamang dito ay ang suporta ng ating mga mambabatas at siyempre ang mga Pilipino mismo.

Sa ngayon, isinusulong na sa mababang kapulungan­ ng Kongreso sa pangunguna ni Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng House Committee on Cons­titutional Amendments  ang Charter Change on economic provision.

Kamakailan, inihayag ni Atty. Dindo Garciano, Vice President for Luzon, Philippine Constitution Association (PhilConsa) at dating mayor ng Baras, Rizal na napapa­nahon na ang isinusulong ng Kongreso na Constitutional Convention on Economic provision.

Ayon kay Garciano, ang pagbibigay ng 100 percent “foreign ownership” sa negosyo ang magsisilbing daan at susi sa pag-unlad ng bansa. Ito aniya ang nakikitang solusyon ng PhilConsa—ang alisin ang restriction sa pamu­muhunan ng mga dayuhan sa ating bansa. 

Idinagdag pa ni Garciano, lilikha nang maraming trabaho at hindi na kailangan pang mangibang bansa ang mga Pilipino para buhayin ang kani-kanilang pamilya at pag-aralin hanggang mapagtapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak. Inihayag pa ng abogado, magiging tuluy-tuloy ang pag-unlad ng kabuhayan, magkakaroon ng trabaho ang mamamayan at aasenso ang kanilang buhay.

vuukle comment

ECONOMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with