^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isa pang Pinay worker minaltrato sa Kuwait

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Isa pang Pinay worker minaltrato sa Kuwait

Ngayon ililibing si Jullebee Ranara, ang Pinay house­hold worker na ginahasa at pinatay ng 17-anyos na anak na lalaki ng kanyang employer noong Enero 21, 2023. Natagpuan ang kanyang sunog na bangkay sa isang disyerto sa Kuwait noong Enero 22. Nang awtopsiyahin ang bangkay, nakita ang basag sa kanyang bungo. Naaresto na ang killer ni Ranara. Sabi ni Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Susan Ople, hindi titigil ang pamahalaan hanggat hindi napaparusahan ang killer ni Ranara. Nangako umano ang pamahalaan ng Kuwait nang mabilis na hustisya sa pag­patay sa Pinay worker. Sinabi naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tutulungan ang mga anak ni Ranara sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships. Iginiit naman ni Secretary Ople na hindi kailangan ang deployment ban ng OFW sa Kuwait sapagkat gumagalaw naman daw ang hustisya.

Kamakalawa, isang balita na naman ang yumanig na may kaugnayan sa pagmamaltrato sa isa namang Pinay sa Kuwait. Ayon sa ABS-CBN-Kuwait Bureau, isang 34-anyos na Pinay household worker ang napa­ralisa ang ibabang bahagi ng katawan makaraang tumalon sa bintana ng bahay mula sa third floor. Ang Pinay na tinawag sa pangalang “Maria” ay nagsabing tumalon siya sa bintana para matakasan ang “abusadong” em­ployer. Naganap umano ang pagtakas niya noong Enero 21, 2023 (petsa kung kailan pinatay si Ranara).

Ayon kay “Maria”, taga-Cagayan Valley at may dala­wang anak, noong Enero 21, makaraang matapos ang kanyang mga gawain, gumawa siya ng Tik Tok live sa kanyang kuwarto, nang biglang pumasok ang kanyang among babae at pinagsasampal siya at sinabunutan. Pagkatapos ay kinuha umano nito ang kanyang cell phone at tinanong siya kung saan pupunta. Sabi raw niya, nagpapahinga na siya at gumagawa ng Tik Tok. Pero hindi raw siya nito pinakinggan at sa halip, sinipa siya sa likod at saka ikinandado ang pinto.

Dahil umano sa takot ni “Maria” na baka patayin siya ng amo, ipinasya niyang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bintana. Bumagsak siya at tumama ang gu­lugod sa semento. Nabali rin ang kanyang mga paa. May nakakita sa pagkahulog niya sa bintana at dinala siya sa ospital kung saan ay nagpapagaling siya hanggang ngayon. Kumilos naman ang Philippine Embassy sa Kuwait at binigyan siya ng abogado. Wala pang bagong development sa nangyari sa Pinay.

Hihintayin pa bang may mangyaring muli sa mga Pinay worker sa Kuwait? Ayon sa report mula pa Dis­yembre ay marami nang tumatakas na Pinay worker sa kanyang amo. Hindi pa ba sapat ito para itigil ang deployment ng Pinay workers sa Kuwait?

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with