^

PSN Opinyon

Deployment ban ng OFWs sa Kuwait

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Hindi ako naniniwala sa diplomacy na sinasabi ng Depart­ment of Migrant Workers (DMW). Para sa akin, you only apply diplomacy when you have a leverage. Hindi ‘yung diplomacy by subserviency.

Sa hepe ng DMW, sorry Ma’am pero hindi sapat ang sorry lang. Bakit hindi kung buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit.

Kaya tama si Senator Tol Raffy Tulfo, hindi dahil sa ka­patid ko siya. Sang-ayon ako sa deployment ban ng mga OFW lalung-lalo na ng mga household worker sa Kuwait. Alam kong maraming kababayan natin ang kokontra rito. Pero ‘wag kayong magagalit sa pananaw kong ito dahil sigurado ako, mauulit at mauulit pa ‘to.

Hindi lang pera o blood money ang katapat ng buhay na kinitil. Dapat, matulis nang espada. I mean, seriously and unfiltered, idikdik n’yo sa kukote diyan sa DMW.

Pasintabi’t mawalang galang lang ulit. Babae ka rin po Sec. Toots Ople. Dapat nga ay ipinaglalaban mo ang karapatan at dignidad ng kababaihan. Bagamat nirerespeto ko ang social dialogue na sinasabi mo, hindi ako sang-ayon.

Hindi po presyuhan ng serbisyo’t produkto ang pinag-uusapan dito. Hinalay, pinatay, sinunog at itinapon sa di­s­yerto­ ang kababayan natin. Ang “diplomatic negotiation” o “social dialogue” ay para magkasundo sa presyo ng pro­­dukto o serbisyo ang dalawang bansa.

Ang dapat gawin, bumisita rito sa Pilipinas ang mga opisyales ng Kuwaiti government para makipag-usap nang masinsinan at humingi ng kapatawaran. Kung tutuusin, mas kailangan nila tayo, ang ating serbisyo kaysa kailangan natin sila.

‘Yung mga OFW na nasa Kuwait na at masuwerteng nakakuha ng mabuting employer, manatili kung gusto nila. ‘Yung mga bagong ipadadala sa putok na bansang ‘yan, teka muna. Baka sa mga ugaling animal na naman mapunta ‘yan.

Kaya ang paniwala ko at paniwala ni Sen. Tol Raffy, iisa lang. Umpisahan at ipatupad ang OFW deployment ban sa Kuwait, period!

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with