^

PSN Opinyon

Dapat bang pigilin ang ICC?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA kay dating senador na ngayo’y Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, walang jurisdiction ang International Criminal Court (ICC) na magsiyasat sa sinasabing extra judicial killings sa mga drug suspects noong panahon ni dating Presidente Duterte. Aniya, kapag tumuntong ang mga tagasiyasat ng ICC sa Pilipinas, dapat silang arestuhin at ikalaboso.

Wala na ngang hurisdiksyon kung tutuusin dahil nung nakaupo pa si Duterte bilang Pangulo, nagbitiw na ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng ICC. Nagalit si Duterte sa akusasyon ng ICC na pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa droga na iginigiit ng dating Pangulo na nanlaban sa mga awtoridad. Iyan ang rason ng ating pagtiwalag sa ICC.

Legally speaking, maaaring tama ang tinuran ni Enrile na wala nang poder ang ICC na magsiyasat sa kasong nasa loob ng ating bansa. Pero hindi naman kaya tayo magmukhang kontrabida sa harap ng world community?

Aktibo ang mga human rights advocate sa buong mundo at kapag sila ang nag-aklas laban sa Pilipinas, pagmumukhain ang administrasyon na kalaban  ng karapatang pantao. Wala nang EJK ngayong panahon ni Presidente Bongbong Marcos.

Ang sabi ng Pangulo, may sarili tayong justice system na siyang dapat gumulong para magsiyasat, umusig at humatol sa mga sangkot sa EJK. Korek ka diyan Mr. President! Hindi na nga dapat manghimasok ang ICC.

Pero ano ang ginagawa ng pamahalaan sa mga kasong nabanggit? Wala, kaya siguro iginigiit ng ICC na magsiyasat kahit hindi na tayo kasapi nito. Bakit nga ba walang aksyon ang gobyerno? Ayaw kong isipin na bahag ang buntot ng ating mahal na President BBM kay Digong.

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with