^

PSN Opinyon

Governor’s Squad ng Rizal, ‘hulidap’ ang lakad!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MASISIRA ang imahe ni Rizal Gov. Nina Ricci Ynares-Chiongbian kapag hindi niya nasawata ang “hulidap” at iba pang raket ng mga kalalakihan sa kanyang nasasakupan. Matagal na ang raket na ito ng mga suspects, na armado ng Armalite rifle at hindi nalalayo na maengkuwentro sila ng mga nagngingitngit na kapulisan.

Nitong nagdaang araw lang, pinasok ng mga suspects ang pergalan sa Olalia at Oliveros sa Antipolo City kung saan nilimas nila ang kita at may tinangay pang mga emple­yado na pinakawalan naman nila kaagad. Nahulog ang celfone ng isang babae at hindi ito pinatawad ng mga sus­pect, di ba Boss James Barroga? Hehehe! Ang lufet n’yo mga Tsong! Itong insidente ay nakunan ng CCTV footage at handa ang mga biktima na ipakita ito kay Gov. Ynares-Chiongbian kung kinakailangan. Eh di wow!

Sinabi naman ng mga Marites na itong grupo ay may payola rin sa mga nagtitinda ng kasoy, suman at iba pang kakanin na ipinagmamalaki ng Antipolo City. Hindi lang ‘yan! Nagtsi-checkpoint din ang mga ito, subalit sa kasamaang palad ang nakumpiskang mga kahoy ay hindi sa provincial capitol bumabagsak kundi sa sarili nilang mga bahay. Araguuyyyyy! Hehehe! May katapusan din ang raket na ito ng tropa ni Barroga. DIpugaaaaa! 

Kaya naman tinatawagan ko ang pansin ni Gov. Ynares-Chiongbian mga kosa ay dahil ang gamit ng tropa ni Barroga sa kanilang raket ay ang back-to-back na multi-cab na may logo na Rizal Provincial Group sa tagiliran. Hindi lang ‘yan! Ang kolektor ni Barroga na si Alberto Sta. Ana, alyas Albert, ay bukambibig din ang pangalan ni ex-cop alyas Dabalos, na hepe ng Governor’s Squad, sa mga sugal-lupa. Ano ba ‘yan?

Sa totoo lang, Gov. Ynares-Chiongban Ma’m, walang puso itong si Albert dahil abo’t langit kung tumara ng lingguhang intelihensiya sa mga sugal lupa. Araguuyyyyyy! Ang ipinagtataka ng mga negosyante, mayroon din namang weekly payola ang tropa ni Barroga kaya lang bakit hino-hulidap pa sila? Parang pamilyar itong si Barroga ah? Dipugaaaaa! Hehehe! Dapat maisama sa accomplishment ni Col. Dominic Baccay, Rizal provincial director ang tropa ni Barroga, di ba mga kosa? Tumpak!

Dahil sa pananamantala nina Barroga at ALbert sa mga negosyante, ang nagigisang pangalan ay kay Gov.Ynares-Chiongbian. Hehehe! Matagal na iniingatan ni ex-Gov. Casimiro “Ito” Ynares ang magandang pangalan ng pamilya niya at masisirang bigla dahil sa “hulidap” at kotong na lakad ng tropa ni Barroga.Dipugaaaaa! Hehehe! Ayaw ni Gov. Ito ng ganyan, di ba mga kosa? Mismooooo! Abangan!

vuukle comment

HULIDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with