^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itigil, pagpapadala ng OFWs sa Kuwait

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itigil, pagpapadala ng OFWs sa Kuwait

HINDI si Jullebee Ranara ang unang Pinay house­hold workers na minaltrato at pinatay sa Kuwait. Mababanggit sina Joanna Demafelis, Constancia Dayag, Jeanelyn Villavende at ang marami pang Pinay na dumanas nang hindi makataong pagpa­pahirap sa kamay ng kanilang employer. Ang masaklap, bukod sa ginagahasa ay pinapatay pa. Nasaan naman ang puso ng Kuwaiting employer at kailangang patayin ang taong nagsisilbi sa kanila. Wala na sa katinuan ang employer para gawin ang karumal-dumal sa kawawang Pinay.

Dumating ang nakakahong bangkay ni Jullebee­ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Biyernes, dakong alas nuwebe ng gabi. Hindi maila­rawang lungkot ang nasa mukha ng mga kaanak ni Jullebee nang makita ang kahon na kinalalagyan ng bangkay ni Jullebee. Marami sa kanila ang umiyak pero sa kabilang bahagi ng kanilang utak ay naroon din ang matinding poot. Hindi nila akalain na ang masayang pag-alis noon ni Jullebee ay magi­ging kabaliktaran sa kanyang pagbabalik—matin­ding kalungkutan na hindi kailanman sumagi sa kanilang isipan.

Natagpuan ang sunog na bangkay ni Jullebee sa isang disyerto sa Kuwait. Halatang pinahirapan ito dahil sa pagkabasag ng bungo at mga sugat sa katawan. Para itago ang krimen, tinangka itong sunugin.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan Ople, naaresto na ang 17-anyos na anak na lalaki ng employer ni Jullebee. Inamin na umano ang krimen. Kasalukuyan daw nakakulong ang tinedyer. Ayon pa rin kay Ople, hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi napaparusahan ang pumatay kay Jullebee.

Hindi pa malaman kung hanggang kailan tatagal ang paglilitis sa killer ni Jullebee. Walang maipa­ngako na mabilisang paglilitis. Habang hinihintay ang hustisya sa pagpatay kay Jullebee, itigil muna ang deployment ng OFW, partikular na ang household workers sa Kuwait. Ito ay para maiwasan na mayroon na namang mangyaring pagpatay sa mga Pilipinang manggagawa roon. Ito ang isang mabisang paraan para mailigtas sa kamatayan ang mga Pinay at wala nang sumunod pang karumal-dumal.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with