^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang silbi ang Anti-Agri Smuggling Act

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang silbi ang Anti-Agri Smuggling Act

Sabi ni Sen. Cynthia Villar, ni isa man sa agriculture smugglers ay wala pang naipakukulong. Sabi ni Villar, chairman ng Senate agriculture committee, mula raw nang pamunuan niya ang komite noong 2013, wala ni isa mang smugglers na naipakulong. Sa kabila aniya na malawakan na ang smuggling ng agricultural pro­ducts, walang smugglers na naipapakulong. Kaya ang suhestiyon niya ay palakasin ang batas laban sa agri smuggling (Republic Act 10845). Dagdagan daw ang multa ng mga mapapatunayang nag-iismagel ng agri products. Kung hindi raw ganito ang gagawin, magpapatuloy ang smuggling ng mga produktong agrikultura.

Ipinasa ang RA 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act) noong 2016. Nakasaad sa batas na ang malakihan o malawakang pag-i-smuggle ng agricultural products ay pananabotahe sa ekonomiya ng bansa at may katumbas na mabigat na kaparusahan at multa sa mga gagawa nito.

Subalit anim na taon na ang nakalilipas mula nang likhain ang batas, walang naparusahan. Naging talamak ang agri smuggling at lahat ng produktong agrikultura ay naipasok sa bansa. Bumaha ang smuggled na bigas, asukal, sibuyas, carrots, bawang at maging isda at karne ng baboy ay inismagel na rin. Sobra-sobra na ang pananabotahe sa ekonomiya ng bansa pero wala pang pinananagot. Walang silbi ang batas.

Umaaray ang mga lokal na magsasaka ng gulay dahil sa patuloy na pagdagsa ng agri products subalit walang magawa ang Bureau of Customs at maging ang Department of Agriculture. Lalong lumala ang smuggling ng gulay at nangangamba ang mga lokal na magsasaka ng gulay na mamamatay sila sa gutom dahil dito.

Ayon sa report ng grupong Sinag, 20 katao ang smugglers ng sibuyas sa kasalukuyan. Umaabot umano sa P30 milyon ang halaga nang ipinupuslit na sibuyas. Sabi naman ng BoC, mayroon daw 30 smugglers ng gulay at nakatakda na raw nilang kasuhan ang mga ito.

Noon pa ito sinabi ng BoC pero hanggang ngayon, wala pang nasasampahan ng kaso. Kung may nasampahan, bakit ayaw pangalanan. Masyado kayang maiimpluwensiya ang mga ito kaya itinatago ang mga pangalan.

Madaliin ng Department of Justice ang pagsasampa ng kaso sa mga smuggler ng gulay para maparusahan sila. Kawawa ang mga magsasaka ng gulay na ­apektado nang malawakang smuggling. Talo ang gobyerno sapagkat bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bansa dahil sa pagpupuslit ng agri products.

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with