^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Farm-to-market road

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Farm-to-market road

NOONG nakaraang Hulyo, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ng kanyang administrasyon ang farm-to-market road (FMR). Ilang araw ang nakalipas mula nang sabihin iyon, ipinag-utos niya sa mga opisyal ng Department of Agriculture na maglatag ng plano para sa pagpapagawa ng farm-to-market na makatutulong nang malaki sa pagpaparami ng pagkain at para mapalakas ang rural communities.

Ayon sa presidente, na umaakto ring agriculture secretary, ipaprayoridad ang pagsasagawa ng FMR. Ito raw ang unang hakbang para malutas ang problema sa pagkain na sa kasalukuyan ay namamayani sa bansa. Ayon sa kanya, kapag naisagawa ang FMR magtutuluy-tuloy aniya ang daloy ng pagkain at hindi na kakapusin. Sinabi pa ng presidente na kailangang pag-aralan at pag-isipang mabuti ng DA executives ang paglalatag ng plano sa pagsasakatuparan ng FMR. Kapag natapos ang master plan, dapat itong isumite sa economic managers.

Anim na buwan makaraang ilatag ni Marcos ang plano sa FMR, lalagdaan na niya ito bago matapos ang 2022. Kapag nalagdaan na niya, tiyak nang maisasakatuparan ang FMR sa susunod na taon. Kung hindi magkakaroon ng problema, baka sa kalagitnaan ng 2023 ay mayroon nang mga kalsada sa kanayunan na ginagamit hindi lamang ng mga mga magsasaka para mailuwas o madala sa mga palengke sa bayan ang kanilang produkto. Sa pagkakaroon ng FMR hindi lamang mga magsasaka ng palay, niyog, gulay ang makikinabang kundi pati na rin ang mga negosyante na namimili ng produkto mula sa bukid. Dahil may kalsada, traders na ang lalapit sa mga magsasaka.

Harinawang magkaroon ng katuparan ang planong FMR ng Marcos administration. Sa totoo lang, marami nang presidente ng Pilipinas ang nagpanukala ng FMR pero wala ni isa mang naisakatuparan. Naging kawawa ang mga magsasaka dahil hindi nila mailuwas sa pamilihan ang kanilang produkto dahil sa kawalan ng kalsada. Noon mayroong mga sinimulang kalsada pero hindi itinuloy kaya naging daanan na lamang ng kalabaw. Maputik sa tag-ulan at maalikabok sa tag-araw.

Sa balak na FMR, nararapat din namang makita ang iba pang problema ng mga magsasaka gaya ng patubig o irigasyon, kakulangan ng binhi, pataba at iba pang hadlang para mapabuti ang ani.

Sana, makita ang bagong umaga sa pagkakaroon ng mga kalsada sa kanayunan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with