^

PSN Opinyon

Nire-recycle ng corrupt PDEA offcls ang shabu  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SAMPAL sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang pagkakahuli sa isa nilang opisyal at dalawang agents sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) noong Martes. Sinalakay ng mga pulis ang PDEA Southern District Office  sa A. Bonifacio Street, Barangay Upper Bicutan, Taguig City at naaresto ang mga suspect na sina Enrique Lucero, chief ng PDEA-SDO, at agents na sina Anthony Alabastro at Jaireh Llaguna. Naaresto rin ang driver na si Mark Mallo. Nasamsam sa kanila ang 1-kilong shabu na nagkakahalaga ng P9 na milyon.

Nakakahiya ang nangyari dahil pinadapa at pinosasan ang hepe na si Lucero at mga tauhan nito. Kabaliktaran dahil ang trabaho nila sa PDEA ay maglansag ng drug syndicate, drug trafficker, pushers at users. Pero ang nangyari sila ang inaresto dahil sa pagbebenta ng shabu. Sa halip na maging halimbawa, sila pa ang nagpapakalat ng droga sa pamamagitan ng pag-recycle ng mga nasasamsam nila.

Ayon kay SPD director B/Gen. Kirby John Kraft, nakatanggap sila ng impormasyon na taga PDEA-SDO ang nagtutulak ng droga kaya nagsagawa sila nang pagmamanman. Nang matiyak na tama ang impormasyon, nagkasa sila ng buy-bust operation. Bago iyon, nakipagkoordinate muna sila sa PDEA head office. Timbog ang mga taga-PDEA-SDO.

Malaki na ang suweldo ng mga taga-PDEA pero nagbebenta pa ng shabu. Nilakihan ang suweldo nila noong panahon ni President Duterte pero gumagawa pa ng masama. Ano ang nangyayari sa PDEA?

Sabi ni Justice secretary Crispin Remulla, iimbestigahan nang todo ang PDEA sa pangyayaring ito. Nakakahiya aniya na mismong taga-PDEA ang  nagwawasak sa organisasyon.

Mistulang anay ang mga naaresto na unti-unti su­misira. Nararapat pa ang masusing imbestigasyon upang mahubaran pa ang iba pang opisyal at mga ahente ng PDEA na nagre-recycle ng shabu.

Malaking hamon ito kay PDEA director general Moro Vergilio Lazo. 

PDEA

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with