^

PSN Opinyon

EDITORYAL -  Nire-recycle ang shabu

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Nire-recycle ang shabu

Hindi mauubos ang shabu sa bansa sapagkat nire-recycle. Paikut-ikot lang. Kapag nasamsam ng mga corrupt na awtoridad ang kilu-kilong shabu, ibebenta uli nila ito. Kapag nabenta na, huhulihin uli nila at wala nang katapusang pag-ikut-ikot na parang ferries wheel. Mabuti pa nga ang ferries wheel at tumitigil pero ang bentahan ng shabu na sangkot ang mga scalawags na drug enforcers ay hindi. Kaya imposib­leng mapahinto ang bentahan ng droga sa bansa. Mahirap mapatigil sapagkat ang drug enfor­cers ang sangkot.

Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagsasagawa ng mga pagsalakay at paghuli sa mga sindikato ng droga sa bansa at maging ang mga maliliit na “tulak”. Sila ang nagsasagawa ng buy-bust. Ngayong taon na ito, tone-toneladang shabu na ang kanilang nalambat sa tulong din ng mga pulis.

Kabilang sa pinakamalaki nilang huli ay noong nakaraang Setyembre ng isang pulis mula sa Manila Police District-Drug enforcement unit ang nahulihan nila ng isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso.

Marami pa silang nadakma kabilang ang dala­wang­ Chinese na nagmamantini ng shabu labora­tory­ sa isang eksklusibong subdibisyon sa Alabang. Sangkaterbang shabu ang nasamsam ng PDEA agents. Sa tuwa ni Interior Sec. Benhur Abalos ipi­nagmalaki pa ang nakukumpiskang shabu ng PDEA at PNP. Ngayon lang daw nakadakma ng ganito karami ang drug enforcement agency.

Ang nakapagtataka lang, sa kabila na maraming nakukumpiskang shabu, hindi nababanggit kung saan dinadala ang mga ito. Itinatago ba? Nino?

Kamakalawa, isang opisyal ng PDEA at dalawang agents ang inaresto ng PDEA at mga pulis mismo makaraang magsagawa ng buy-bust operation. Sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City. Ang mga na­aresto ay sina PDEA Southern District Office chief Enrique Lucero, at agents na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno. Ang kanilang driver na si Mark Warren Mallo ay inaresto rin. Nakuha sa mga suspek ang kilogram ng shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon. Sabi ni PDEA chief Moro Virgilio Lazo, walang sacred cows dito at pananagutin ang mga naaresto.

Saan galing ang shabu na nakumpiska sa PDEA official at agents? Hindi kaya ito ay ‘yung nakumpiska rin nila. Ano ang gagawin sa nakumpiskang shabu? Dapat sinisira na ang shabu matapos kumpiskahin dahil posibleng ma-recycle.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with