^

PSN Opinyon

Camera sa sabungan, kumpiskahin para mahinto ang e-sabong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hindi na dapat mag-aksaya ng oras at pagod ang Philippine­ National Police (PNP) kung seryoso silang ipasara ang gerilya operations ng e-sabong sa Pinas. Simple lang ang solution, di ba mga kosa kong sabong afficionado? Kasi hindi na kailangan ng mga pulis na manghuli ng mga puwesto o mga mananaya dahil kahit maubos nila ang mga ito ay hindi naman hihinto ang e-sabong operations ng mga suwail na operators. Ang dapat lang gawin ng PNP, ayon sa mga kosa kong sabong afficionado, ay kumpiskahin ang camera na nakakabit sa mga sabungan sa buong Pinas. Get’s n’yo mga kosa?

Kasi kung walang camera ang mga sabungan, paano magkaroon ng live streaming ang mga sultada sa sabong? Tumpak! Itong camera ang na take advantage ng mga sabong financiers eh. Kung walang camera ang mga sabu­ngan, matic na sarado itong e-sabong dahil saan sila kukuha ng sultada na tatayaan ng mga adik sa sabong? Eh di wow! Hak hak hak! Kapag walang camera sa sabungan, nganga na lang ng mga mananaya at walang papasok sa pitsa sa bulsa ng mga e-sabong operators. Dipugaaaaa!

Ang e-sabong ay ipinasara ni Tatay Digong matapos­ sumambulat ang kaso ng 34 missing sabungeros na ina­ku­sahang nandaya sa mga sabungan. Noong panahon ng kampanya, abot-langit ang sigaw ni President Bongbong Marcos na ipagpatuloy n’ya ang sinimulan ni Tatay Digong. Kaya lang nitong nagdaang mga araw, nagsulputang muli sa social media ang talpakan na ikinatuwa ng mga sabong afficionado.

Tahimik na sa ngayon sa isyu si BBM sabay kalat ng balita na nag-usap na sila ni bigtime gambling lord na si Charlie “Atong” Ang. Ano ba ‘yan? Nagmukhang walang isang salita si BBM at ang ipinangako niyang ipasara ang e-sabong ay bola-bola kamatis lang? Porbidang yawaaahhhh! Dipu­gaaaaa! Hak hak hak! Kapag ginusto may paraan subalit kapag ayaw maraming dahilan itong si BBM kaya tuloy lang ang e-sabong, no mga kosa? Tsk tsk tsk! Nasa­yang ‘ata ang boto ng 31 milyon na Pinoy ah? Mismooooo!

Inutusan ni PNP chief Gen. Junaz Azurin si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Maj. Gen. Ronald Lee na makipagtulungan sa Intelligence Group (IG) para tuldukan na ang gerilya e-sabong. Maniniwala lang ang mga kosa kong sabong afficionados na seryoso ang pulisya na ipahinto ang e-sabong kung itong camera ang targeting nila at hindi ang mga mananaya, na palaging kawawa dahil ninanakaw lang ang pitsa nila. Mabilis lang naman makita itong maliit na camera dahil nakakabit lang sa parte ng sabungan na makuha ng video ang buong ruweda. Get’s mo Gen. Lee Sir? Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with