^

PSN Opinyon

Ang Maharlika Wealth Fund

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Para sa mga panatikong loyalista ni President Bongbong Marcos ang mga kumokontra sa Maharlika Wealth Fund ay humahanap lang ng butas para batikusin ang presidente. Ang katuwiran nila, hindi sila nakarinig ng ingay nang ang kaparehong bill ay iharap ni Sen. Bam  Aquino nung panahon ni Presidente Noynoy at ni Sen. JV Ejercito nung Presidente pa si Duterte. Bakit daw ngayon lang nag-iingay ang mga kontra sa panukala?

Ngunit dapat nilang isipin na ang nasabing bill, sa kabila ng dalawang ulit na paghahain nito ay hindi naging batas. Ibig sabihin, walang sumuporta rito bagamat ang mga tao ay maaaring mas nag-iingay ngayon dahil ang naka­taya ay ang salaping pinaghirapan ng mga pensiyonado ng GSIS at SSS.

Hindi man nagsalita ang taumbayan laban sa bill noon ay hindi nangangahulugan na sinuportahan nila ito. Dapat matauhan ang mga die-hard loyalists na hindi porke’t kagustuhan ng presidente ay palaging tama at hindi dapat tuligsain. Ako ay sumusuporta at pumupuri sa mga prog­rama ni Marcos, Jr. na kapapakinabangan ng mama­mayan. Pero sa kasong ito, hindi ko kailanman sasang-ayunan ang panukala maliban kung makakahanap ng ibang mapagkukunan ng pondo.

Mas maingay ngayon ang mamamayan laban sa bill dahil naliwanagan nila na ang salaping pinaghirapan ng pensioners ang gagawing pondo sa planong wealth fund na balak ipuhunan sa loob at labas ng bansa. Magandang ideya sana ito pero kung ang gagamitin ay salapi ng taumbayan, hindi tama iyan. Paano kung mapunta sa bad investment at malugi? E di kawawa ang mga matatandang umaasa na lang sa maliit na pension.

Huwag namang aakusahan ng mga bulag na panatiko ang mga tumututol sa bill na humahanap ng butas para labanan si Marcos. Hindi political issue ito. Dapat isipin na kung mapagtitibay ang panukala at magkaroon ng aberya, pati sila, lalo na yung mga kaanak nilang pensiyonado ang mawawalan.

Maaaring matagumpay ang ganyang batas sa ibang bansa pero may surplus silang pondo para rito. Hindi ginamit ang pondo para sa benepisyo ng mga retirado. Sa kaso natin, baon na baon tayo sa trilyones na pagkakautang na babayaran pa ng mga kaapu-apuhan natin.

JV EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with