^

PSN Opinyon

P20 milyong puslit na sibuyas, carrots nasabat sa Subic

Danilo Garcia, Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

Nanggaling sa China...

SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines —  Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC)-Port of Subic ang ilang container shipment na naglalaman ng may P20.2 milyong ha­laga ng agricultural pro­ducts tulad ng mga sibuyas at carrots na nagmula sa bansang China.

Ayon kay District Collector Maritess Martin, kaagad silang nagpalabas ng alert order laban sa Veneta Consumer Goods Trading at Lalavy Aggregates Trading upang makapagsagawa ng physical examination sa natu­rang mga shipments.

Lumalabas sa isina­gawang pagsusuri kamakalawa katuwang ang Department of Agriculture, Bureau of Plant and Industry, Subic Bay Metropolitan Authority, Philippine Drug Enforcement Agency at Chamber of Customs Brokers,  natuklasan na ang shipment ng Veneta Consumer Goods Trading ay deklarado bilang assorted foodstuffs na naglalaman ng frozen carrots.

Ang 2x40 container ng Lalavy Aggregates Trading na idineklara umano ang shipment bilang Frozen Lobster Balls and Crabsticks ay nabatid na mga sariwang pula at puting sibuyas.

Ang pagkakasabat sa mga naturang shipment ay bilang pagtalima umano ni Martin sa marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz upang paigtingin ang kanilang kampanya laban sa mga illegal na agricultural products na pumapasok sa bansa lalo na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Mahaharap ang nagmamaya-ari ng shipment sa paglabag sa DA Administrative Order No.18 series of 2000, DA Circular No.4 series of 2016 at Section 1400 in relation Section 1113 of RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

UNIONBANK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with