^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Permanenteng DOH at DA chief, ilagay na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Permanenteng DOH at DA chief, ilagay na

Dalawang departamento na lamang ng pamahalaan ang walang permanenteng kalihim—ang Department of Health at Department of Agriculture. Anim na buwan na ang Marcos administration at nararapat lamang na mayroon nang permanenteng kalihim ang dalawang nabanggit na tanggapan. Tanging ang DOH at DA ang walang permanenteng namumuno.

Ang DOH ay pinamumunuan ni officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire. Nakapagtataka kung bakit hindi pa niya ginawang secretary si Vergeire at OIC lang ito. Matatandaan na lumipas pa ang isang buwan bago napagpasyahan ni President Marcos Jr. na gawing OIC si Vergeire.

Mahalagang magkaroon ng permanenteng DOH chief para mayroong gagabay nang husto sa isa sa pinakamahalagang departamento ng pamahalaan.

Ang pagkakaroon ng permanenteng pinuno ng tanggapan ay nagpapatatag dito lalo pa sa panahong ito na sinasaklot ng kung anu-anong sakit at karamdaman ang mga Pilipino. Kung may permanenteng kalihim ang DOH, mas nakatutok ang tanggapan sa mga dapat gawin kung may nanalasang sakit gaya ng pandemya. Kailangan ang isang pinuno para maging matibay at matatag. Mayroong magpapasya sa mabibigat na desisyon.

Nararapat din na maglagay na ng permanenteng­ kalihim ang Department of Agriculture. Sa kasalu­kuyan, si President Marcos Jr. ang umaaktong Agri­culture secretary. Kagaya ng sa DOH, wala pa rin siyang mapiling mamumuno sa DA.

Dapat lagyan na niya ito ng ibang tao para hindi na naaagaw pa ang oras niya bilang presidente. Kung may permanenteng kalihim ang DA, magiging­ maayos na marahil ang takbo ng tanggapan. Sa kasalukuyan, maraming problema lalo pa ang pag-angkat ng bigas, isda, asukal at iba pang agri pro­ducts.

Problema rin ang smuggling ng gulay na sa kasalukuyan ay masyado nang talamak. Bumabaha ang sibuyas, carrots, bawang at iba pa na ang nagdurusa ay mga local na magsasaka.

Pangalanan na ang mga permanenteng mamumuno sa DOH at DA. Now na.

DA

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with