^

PSN Opinyon

Bakit kumukulubot ang mukha?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming dahilan kaya kumukulubot o nagkaka-wrinkles­ ang mukha. Ang balat natin ay gawa sa isang matibay na balot (keratin) na hindi pinapasok ng tubig. Sa ilalim ng balat ay may collagen, elastin fibers, ugat (nerves at blood vessels), at may makapal na layer ng taba.

Sa edad 20 hanggang 30, nababawasan na ang paggawa ng collagen ng balat. Parang isang rubber band ang collagen at ito ang nagpapakinis ng balat. Pero sa pag-edad, ang mga collagen at elastin fibers ay kumakapal at lumu­luwag. Ito ang dahilan ng pagkulubot ng balat.

Nababawasan din ang moisture sa balat at lumiliit ang mga fat cells (taba) sa ilalim ng balat.

Sa edad 40, titigil na ang paggawa ng collagen ng balat. Ang natitirang collagen at elastin fibers ay unti-unting nababali, tumitigas at parang rubber band na lumuluwag. Ito ang nagdudulot ng wrinkles.

Sa edad 50, ang balat ay nanunuyo at madaling ma­sugat o magasgas. Nababawasan ang mga oil glands. Kapag ang babae ay nag-menopause, manunuyo at magiging manipis din ang balat.

Ang pagkulubot ng balat ay namamana rin sa magulang. Kapag makinis ang mukha ng iyong magulang ay marahil makinis din ang iyong balat.

Ang pag-edad ay hindi natin maiiwasan. Pero mayroon tayong magagawa para gumanda ang ating kutis.

Sundin ang mga sumusunod:

1. Huwag magbilad sa araw. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat, nagdudulot ng freckles at posibleng mag­­­ka-skin cancer pa dahil sa UV light. Magtago sa matin­ding sikat ng araw mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

2. Gumamit ng sunblock na may taglay na SPF 15 o 30.

3. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakata­tanda dahil nababawasan ang daloy ng dugo sa balat.

4. Itigil din ang sobrang pag-inom ng alak dahil nagdu­dulot ito ng wrinkles. Hihina ang resistensiya at babagsak ang katawan.

5. Uminom ng walong basong tubig araw-araw para manatiling malambot ang balat.

6. Kumain ng dalawang tasang prutas at 2 tasang gulay araw-araw. Sagana ito sa vitamins A, C, E at biotin na tinuturing na anti-oxidants.

7. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika at sitsirya.

8. Magbawas sa stress at maging masiyahin. Totoo ang kasabihan na tumawa ka at ikaw ay gaganda.

CELLS

FAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with