^

PSN Opinyon

Zulueta, win-win sa kaso ni Ka Persy kapag sumuko! — Atty. Causing

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

KAPAG sumuko pala si SSupt. Ricardo Zulueta, abayyyy win-win situation s’ya sa kaso sa pagpaslang kay hard-hitting journalist at commentator na si Percival Mabasa aka Persy Lapid. Kapag naging state witness kasi si Zulueta, hindi siya makukulong at kapag hindi naman siya pinayagan ng korte ay bababa ang panahon n’ya sa kulu­ngan, ayon kay Atty. Toto Causing, ang abogado ng pamilya ni Mabasa.

Ang matindi diyan, kapag natanggap naman si Zulueta sa Witness Protection Program ng gobyerno, kumpleto-re­kado­ ang seguridad, hindi lang ng personal n’ya, kundi maging sa asawang si CInsp. Haylene Pancho at mga anak na sina Styven Daven, Styphane Mae, Chloe at Marga. Mismooooo!

Kaya sa ngayon, mariing kinukumbinsi ng isang opisyal ng BuCor si Pancho na hikayatin si Zulueta na sumuko para mailayo siya sa kapahamakan. Si Zulueta lang kasi ang makapagtuturo kay ex-BuCor chief Gerald Bantag na nag-utos para likidahin si Ka Persy kaya’t open-secret naman na maging target din siyang patahimikin, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kaya hindi na dapat magpatumpik-tumpik si Zulueta sa desisyon na sumuko dahil hindi lang naman ang buhay niya ang nakataya rito kundi maging ang kanyang pamilya.

Sinabi naman ni Causing na kapag sumuko si Zulueta at naituro si Bantag sa kamatayan nina Ka Persy at middleman na si Jun Villamor, magiging lesser offense na ang kasalanan niya dahil tulay-tulay lang siya. At kapag naging matic na aprubahan ng korte ang pagiging state witness niya, pangangalagaan ng gobyerno ang seguridad niya at ng kanyang pamilya.

Kapag hindi naman aprubahan ng korte ang pagiging­ tes­tigo ni Zulueta, subalit dahil sumuko siya, malaki ang bene­pisyo niya kapag patuloy ang pag-cooperate niya sa imbes­tigasyon ng kaso. Imbes kasi na reclusion perpetua o pagka­kulong ng habambuhay, ang maaring ipataw lang kay Zulueta ay reclusion temporal na may sentensiya na 20 years, ani Causing. Kapag umamin siya sa role niya sa dalawang patayan, bababa pa ang pagkakulong niya sa prison mayor o 12 years, ang dagdag pa ni Causing.

Kung tetestigo siya laban kay Bantag, abayyyyy magiging prison correctional ang kaparusahan n’ya o maximum na six years. At sa ilalim ng batas, kapag maganda ang asal niya sa unang dalawang taon niya sa kulungan, another dagdag benepisyo ito sa pamamagitan ng good conduct time allowance (GCTA) dahil bawas ng 21 days kada buwan ang kulong niya. Dipugaaaaa! Hehehe! Kung threee years ang paglilitis sa kaso, labas kaagad si Zulueta sa kulungan pagka-promulgation nito. Abangan!

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with