^

PSN Opinyon

Untouchable broker sa BOC, kalusin na  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PANAHON na para kalusin ni President Bongbong Marcos ang pamamayagpag ng smugglers at untouchable brokers sa Bureau of Customs. Patuloy na nakakapasok sa bansa ang mga smuggled sibuyas, isda at asukal. Sabi ang mga nasamsam na sibuyas ay dadalhin sa mga Kadiwa Store na itinatag ni PBBM. Subalit hindi basta-basta ito maaakin ng pamahalaan dahil may proseso itong pagdaraanan bago maipagbili sa Kadiwa.

Mabuti at nagising na ang mga taga-BOC at naaamoy na ang smuggled agricultural products­. Ipinapasok ang mga ito ng mga suwitik na negos­yante sa tulong ng bigtime brokers sa BOC at maging ng mga opisyales mismo ng pamahalaan. Kaya maraming nagnanais na magtalaga na si PBBM ng Agriculture secretary upang matutukan ang mga smuggler na lumulumpo sa local farmers. Dapat mayroon nang permanenteng DA secretary.

At bago sana iwanan ni PBBM ang DA, mahu­baran muna sana niya ang bigtime brokers na kakutsaba ng mga tusong negosyante sa bansa. Nalaman ko na may untouchable broker na naglulungga sa Muntinlupa City. Super lakas umano ito sa mga opisyales ng BOC kaya nakakalusot lahat ang mga kargamento nito sa Manila Iternational Container Port (MICP) at South Harbor. Bigatin umano ang broker na ito dahil sangkaterba ang bodyguards na karamihan ay mga pulis at NBI. Kilalang-kilala umano ang broker dahil nasa angkan ng isang pulitiko. Gets mo Kuyang Oscar?

Dapat na kalusin muna ni PBBM ang mga big time brokers na naghahari-harian sa BOC. Madali nang matumbok ang mga warehouse ng mga tusong negosyante kung malalagas ang mga broker na kakutsaba sa smuggling.

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with