^

PSN Opinyon

Pro-BBM vs Pro-BBM

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Bago ang presidential polls noong nakaraang Mayo, ang political war sa social media ay sa pagitan ng mga maka-Bongbong Marcos at maka-Leni Robredo. Hangga ngayon, tuloy pa rin ang political war pero ang nagbabakbakan ay ang mga mismong sumusuporta kay Presidente Marcos. Nahati na sila sa tatlong paksyon: mga pro-Marcos “kuno” na mas nakakiling kay Sara Duterte, mga dilawan na nagpapanggap na pro-BBM at yung mga tunay na die-hard na pro-Marcos. Ang malungkot, mismong sa pamilya ng presidente ay umaabot ang gusot.

May lihim daw na iringan sina Senador Imee Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos. Ang tawag daw ni Liza kay Imee ay “the evil sister” habang ang bansag ni Imee rito ay “worse than my mother.” Iyan ang kumakalat ngayon sa mga Vlogs sa YouTube.

Nagsimula umanong magalit si Imee kay Liza nang hindi aprubahan ng presidente ang kanyang panukalang batas na lumilikha ng Bulacan Economic Zone dahil sa udyok ng First Lady sa kanyang asawa. Kaya nga binansagang “under de saya”  ng ilang netizens si Marcos dahil wala na raw sa hulog ang mga desisyon nito na minamanipula ni Liza.

Sinasabi rin na  magiging magkatunggali sa pagka­senador sina Imee at Liza sa darating na mid-term elections sa 2025 dahil may mga nag-uudyok sa First Lady na tumakbo. Inaakusahan din na si Liza ay isang lihim na “dilawan” dahil lahat ng mga Araneta na kamag-anak niya ay dilawan.

Nakadidismaya ang mga gulo na ito kung totoo. Nakikita ko ang pagsisikap ni Marcos Jr. na pamunuan nang maayos ang bansa, bagay na mahirap gawin lalo na kung hindi nagkakasundo ang mga taong nakapaligid sa kanya. May mga dati pang supporters si Marcos Jr. na nagsasabing dismayado sila sa pamamalakad nito kaya nananawagan sila na bumaba sa puwesto at bayaang maupong presidente si Sara.

Halatang-halata na purely politically motivated ang mga nangyayaring ito na kung hindi masasawata ay magdudulot ng kapahamakan sa bansa at sa mamamayang Pilipino.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with