^

PSN Opinyon

Level up sa GCash awards; hatid-saya sa Proud Makatizens, nagpapatuloy!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

BIG winner ulit ang Makati City sa GCash Digital Excellence Awards nitong Huwebes ng gabi. Inaward sa atin ang Excellence in Digital Sustainability at Digital Public Aid Distribution categories.

Talaga namang naantig ang aking damdamin sa pagtanggap ng parangal dahil malalim ang pinagsamahan ng Makati at ng GCash. Simula’t simula pa lang ay kasama at katuwang na natin ang GCash sa ating digital transformation journey.  Kaagapay natin ang GCash sa ating misyon na gawing madali at ligtas ang digital payments at services para sa mga mamamayan ng Makati.

Kinokonsider na role model ang Makati City sa ­epektibong pamamahagi ng financial assistance at para sa maagap nitong paggamit ng financial technology. Naging napakalaking tulong ang GCash feature ng Makatizen Card upang mapadali ang pag-access ng Makatizens sa financial services lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Hindi magiging matagumpay ang pagpapatupad ng MAKAtulong 5K kung wala ang GCash. Naipamahagi ang financial assistance at emergency aid nang ligtas at mabilis sa mga residente. Hindi na nila kinailangang pumila nang mahaba, at walang kalituhan at hassle sa pamamahala ng distribusyon ng ayuda dahil sa mabilis at maayos na proseso.

Sa loob lamang isang araw, nakapagpamahagi ang lungsod ng P364 milyon para sa mahigit 72,000 residente sa pamamagitan ng GCash feature ng Makatizen Card. Ang Makati rin ang kauna-unahang lungsod sa bansa na nakapagsagawa ng cashless distribution ng financial assistance gamit ang mobile wallet. Ang GCash Digital Excellence Award ay patunay ng tapat na hangarin ng aking administrasyon na maisulong ang transition mula sa tradisyunal na financial services tungo sa digital payments.

Magpapatuloy tayo sa pagtuklas ng makabagong pamamaraan ng paggamit ng digital initiatives upang mas mailapit ang serbisyo publiko sa taumbayan. Umaasa rin ako na mahihikayat ang iba pang mga lokalidad na isagawa ang ganitong digital initiatives upang matamasa ng mga Pilipino sa buong bansa ang convenience at efficiency ng digital technologies.

In other news, anim na disaster-resilient barangays ang pinarangalan sa annual Makati DRRM Awards noong December 2. Nag-Champion ang Forbes Park (low risk category), Poblacion (medium risk category), at Post Proper Southside (high risk category).

Taun-taon, binibigyang-parangal ng Makati Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga indibidwal, barangay, at institusyon na may importanteng kontribusyon sa disaster risk reduction and management.

***

Sinimulan na ang pamimigay ng taunang Pamaskong Handog gift bags para sa #ProudMakatizens noong Thursday, December 1. Hangad ng pamahalaang lungsod na maghatid ng saya at masaganang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon. Tingnan lamang ang schedule ng pagkuha ng Pamaskong Handog sa inyong barangay.

Kinagabihan naman, pinangunahan ng aking asawang si Cong. Luis Campos ang taunang pagbubukas ng makukulay na Christmas lights sa Makati sa tapat ng Central Post Office. Kasama sa ceremonial lighting sina Vice Mayor Monique Lagdameo, Cong. Kid Peña, Team United councilors, at iba pang city officials.

GCASH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with