^

PSN Opinyon

Maling akala na wala na ang COVID-19

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Maraming nag-aakala o nag-iisip na wala na ang COVID-19 dahil pinapayagan na ang hindi pagsusuot ng face mask.

‘Yan ang akala nang marami. Narito pa ang COVID kaya dapat pa ring mag-face mask upang magsilbing proteksiyon laban sa highly infectious na COVID-19.

Dito nga sa Davao City simula Nobyembre 20-26, may naitalang 155 COVID-19 cases at pito ang namatay.

Ayon kay Dr. Michelle Schlosser, maiging mapagmatyag lalo na sa behavior at risk assessment lalo na kung pupunta sa mga matataong lugar. Ayon sa doctor, napaka-infectious ng COVID-19 kaya dapat mag-ingat at magpabakuna. Panatilihin ang tamang distansiya at huwag magkumpul-kumpol.

Sa pitong COVID-19-related deaths, dalawa ang 60 years old and above; tatlo ang nasa 50-59 age bracket, at tig-isa sa 40-49 and 30-39 population age groups.

At sa mga namatay na ito, tatlo ang vaccinated ngunit hindi nagkaroon ng booster shots habang ang apat ay pawang unvaccinated.

“We are all vulnerable to death from COVID-19 if we are not protected. There are more seniors, immunocompromised, and persons with comorbidities if we don’t have protection. The truth of the matter, someone will die regardless of age. Therefore, let’s all get vaccinated,” ayon kay Schlosser.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with