^

PSN Opinyon

Mananahi sa Rizal, naging milyonaryo sa lotto!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa at nakakaiyak ang drama sa buhay nitong 39-anyos na mananahi na nakatira sa Taytay, Rizal matapos manalo ng P21 milyon jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Nobyembre 4. Parang pelikula lang!

Kaya ko nasabing nakakatuwa mga kosa dahil hindi nawalan ng pag-asa itong lucky bettor matapos malugi ang negosyong patahian. Imbes tinayaan niya sa lotto ang mga birthday ng kanyang mga anak... at hayun! Naka-jackpot ang mananahi at matapos malugmok at mabaon sa utang, nanumbalik ang kasayahan sa kanyang buhay. Kaya sa panalo niyang milyones, maiaahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan. Dipugaaaaa! Hehehe!

Sa pagkubra niya ng panalo kay Anna Katrina Nicole Contacto sa PCSO office sa Mandaluyong City, hinikayat ng lucky bettor ang mga Pinoy na tangkilikin ang lotto dahil tunay ito at may integridad at maaring sila naman ang susunod na magiging milyonaryo. Eh di wow! Kaya’t nakakatuwa ang karanasan ng mananahi, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Kaya ko naman nasabing nakakaiyak ang dinanas nitong mananahi dahil sa panahon ng pandemya nalugi ang negosyo n’yang patahian. Paano ba naman, walang Pinoy na lumalabas ng bahay sa panahon ng lockdown at habang rumaragasa pa ang COVID kaya’t walang nagpapatahi ng damit at iba pang gamit sa katawan.

“Dati rati ay may sarili akong pwesto, bumagsak ang negosyo kong patahian dahil sa pandemya,” anang mananahi.” Nagsabay-sabay ang dagok sa aking buhay sa panahong iyon. Nabenta ang aming bahay upang maibayad sa utang. Ngayon ay nangungupahan kami sa isang maliit na barungbarong. Dagdag pa ang pagkaopera ng aking anak sa kidney,” ang kuwento pa ng lucky winner.

“Kaya itinuturing ko ang pagkapanalo ko sa lotto na sagot sa lahat ng naging kahilingan ko sa Panginoon,” aniya. Eh di wow! Hehehe! Kapag sinuwerte ka talaga, walang makakapigil, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Kahit minalas ang negosyo niya, hindi talaga tumigil sa pagtaya sa lotto ang mananahi, na halos 15 na taon din niyang ginagawa. Umaasa kasi siya na kapag nanalo s’ya, abayyyy makakabangon uli s’ya at kanyang pamilya. “Kaya ang payo ko lang sa ating mga kababayan, ay ‘wag lang tayo mawalan ng pag-asa dahil hindi natin alam kung kailan ito ipagkakaloob sa atin. Lubos po akong nagpapasalamat sa PCSO lalo’t higit sa Poong Maykapal sa pagdinig ng aking panalangin,” ang giit pa ng mananahi. Ayosssss! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Nalaman lang ni lucky winner na nanalo siya sa lotto nang makita sa PCSO Facebook Page ang kanyang tinayaang numero. Pinagpawisan siya nang malamig at mangiyak-iyak sa sobrang tuwa sa loob ng dalawang araw. Matapos matanggap ang kanyang grasya, ang unang nasa isipan ng mananahi ay itayong muli ang kanyang negosyo. Eh di wow! Kaya mga kosa, tumaya na sa lotto at baka kayo na ang susunod na maging milyonaryo! Abangan!

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with