^

PSN Opinyon

Trabaho sa abroad: Pros at cons sa mga recruitment agencies   

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Sa paghahanap at pag-aaplay ng trabaho sa ibayong-dagat, kadalasang dumadaan ang mga aplikante sa mga overseas employment agencies o international recruitment agencies. Ang mga ahensiyang ito ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga dayuhang gustong magtrabaho sa ibang bansa at ng mga kumpanyang naghahanap ng bagong empleyado. Dito muna dumaan ang maraming overseas Filipino worker bago nakakuha ng trabaho sa ibang bansa.

Hindi ka basta-basta makakapasok sa isang dayuhang bansa nang hindi susunod sa kanilang mga proseso, reglamento, panuntunan, batas o rekisitos na lubhang mabusisi at makain sa oras. At dito pumapasok ang papel ng naturang mga ahensiya para mapadali ang proseso ng mga papeles ng bawat aplikante.

Marami namang bentahe sa paggamit ng mga ahensiyang ito at meron ding mga disbentahe na bagay na dapat ding inaalam ng mga overseas job applicant.  

Sa website ng Instarem, naglatag ito ng ilang mga puntos sa mga benta at disbentahe sa paggamit ng mga recruitment agency sa paghahanap ng trabaho sa ibayong-dagat.

Anila, ang mga recruitment agencies ay kinokontrata ng kanilang mga kliyente (hiring companies) at binabayaran ng huli ang una kapag may nakuha itong kuwalipikadong aplikante para punuan ang bakanteng posisyon sa mga kumpanyang ito.  Kaya nga walang dapat bayaran ang mga kandidato o aplikante sa paggamit ng kanilang mga serbisyo.  

Malawak ang network ng mga ahensiyang ito kaya nala-laman nila ang mga bakanteng trabahong hindi direktang nakikita ng mga jobseeker.  Ang mga employment agencies na ito ang unang nakakabalita hinggil sa bakanteng trabaho. Kaya sa pamamagitan ng mga ito ay nakakaugnayan ng aplikante ang kliyente ng ahensiya at matutulu-ngan kang makaakit ng gusto mong trabaho sa ibang bansa. Nababatid ng mga ahensiyang ito ang mga hinahanap na empleyado sa ibang bansa at ang mga rekisitos kaugnay nito.

May mga kumpanya sa ibang bansa na mas gustong pumili ng mga dayuhang aplikante na dumaan sa isang recruitment agency, na maganda ang reputasyon at kilala na nila. 

Dahil nga ang isang recruitment agency ay babayaran lang kapag meron nang nakuha ang kliyente, meron silang vested interest na itulak ang iyong application hangga’t umaakma ka sa job profile. Kaya ipa-follow up nila ang iyong application at “hahawakan ang iyong kamay” hanggang sa tanggapin ka o tanggihan ng kumpanya.

Maaaring tulungan ka rin nila sa paggawa ng iyong resume at cover letter at maaaring gawan ka ng mock interview. Kung matatanggap ka sa trabaho, maaaring makipagnegosasyon sila para sa iyong suweldo at term of employment sa hiring company.

Pero maaaring magkaroon ng masamang karanasan ang isang nag-aaplay ng trabaho sa ibang bansa kapag nagpalista siya sa isang recruitment agency sa iba’t-ibang kadahilanan. Kaya, ayon sa Instarem, mahalaga ring paghandaan ng aplikante ang mga posibleng disbentahe sa mga ahensiyang ito.

Una, prayoridad ng recruitment agencies ang kanilang client company, hindi ang job applicant. Ang ahensiyang ito ay binabayaran ng hiring company kaya ang pokus nila ay sa paghahanap ng mahusay na empleyado para sa mga ito at hindi kailangang maghanap ng magandang trabaho para sa aplikante.

Maaaring maghanap ng marami pang mga aplikante para sa iisang posisyon ang ahensiya kaya lumalakas ang kompetisyon at nababawasan ang tsansa mong matanggap sa trabaho.

May mga ahensiya na malabo ang mga proseso. Meron namang ahensiya na hindi nagbibigay ng kumpletong impormasyon sa isang aplikante na makakatulong sa kanya sa pagsaliksik hinggil sa hiring company o sa job profile.  Sa ilang kaso, may mga ahensiyang hindi naman talaga nila ipinadala sa hiring company ang resume ng aplikante kahit sinabi nila ditong naipadala na.

May mga ahensiyang pinaaasa lang sa wala ang aplikante kaya masasayang lang ang kanyang oras dito o kaya hindi nila ito tutulungan sa pagkuha ng visa.

Tulad ng unang nabanggit, maraming recruitment agencies ang mas kumikita sa mga kumpanyang kumukuha sa kanilang mga candidate/aplikante.  Kung hihingan ka ng bayad ng ahensiya para sa kanilang serbisyo, huwag pu-mirma ng kontrata.

Ang isang ahensiyang hihingan ka ng confidential information tulad ng credit card o bank account details ay hindi lang peke, kundi nagpapatakbo rin ng illegal scam.

Hanapin sa internet ang ahensiya. Ang isang mabuting ahensiya na merong magandang reputasyon ay may magandang website, na merong mga mahahalagang impormasyon sa internet kabilang ang kanilang kinabibila-ngang industry, solution portfolio, contact details (kasama ang physical address) at up-to-date job board.

Maaaring peke ang ahensiya kung hindi ito makikita nang ganap sa internet.

Maaari ring sumangguni sa mga kinauukulang ahensiya o institusyon o pamahalaan para matukoy kung lehitimo ang ahensiya o ang kumpanyang iyong aaplayan.

Tandaan din na halos lahat ng mga totoong kumpanya ay merong mga corporate email account na maaari mong mapadalhan ng anumang mensahe at dapat meron kang nakakausap sa inaaplayan mong kumpanya sa tulong ng ahensiya at dapat mainterbyu ka. Kung walang interview, malamang peke ang job offer.

Alalahanin din na ang isang experienced, competent at knowledgeable agency ay dapat maihanap ka ng ilang nababagay na posisyon at kumpanya batay sa iyong resume at career goals. Kung sa tingin mo ay walang nagagawa para sa iyo ang ahensiya, huwag matakot lumipat sa ibang ahensiya.

At huli, tiyaking lehitimo at lisensiyado sa Department of Migrant Workers ang recruitment agency.

   * * * * * * * *

Email – [email protected]

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with