^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Pastillas 2’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - âPastillas 2â

TALAMAK pa rin ang human trafficking at maraming nabibiktima. Katulad ng ilegal na pagpasok ng mga Pilipino sa Myanmar kung saan ang mga ni-recruit ay pinangakuan nang magandang trabaho at suweldo pero bumagsak sa online scamming. Nasa mahigit 40 ang na-recruit at unang dinala sa Thailand bago dinala sa Myanmar. Nakauwi na ang 12 na-recruit pero may 30 pang natitira sa Myanmar. Ayon kay Sen. Riza Hontiveros, parang “pastillas 2” ang nangyaring ito. Ang kaibahan lamang sa pastillas 1, palabas ng bansa ang mga nabiktima.

Sa Pastillas 1, na ibinulgar din  ni Hontiveros noong nakaraang taon, mga opisyal ng Bureau of Immigration ang sangkot. Tinawag na “pastillas” ang modus dahil ang perang ipinangsusuhol ay nakabilot na hawig sa “pastillas. Sa imbestigasyon ng Senado, P40 bilyon ang naibubulsa ng mga korap­ sa BI dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy. Sa ‘‘pastillas scam’’, lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng VUA system ay magbabayad ng P10,000 sa Immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Nang mabulgar ang modus, 45 opisyal ng BI ang sinibak sa puwesto.

Sa bagong modus na iniimbestigahan ng Senado, ang mga ni-recruit pa-Myanmar ay hindi idinadaan sa normal na pagpasok sa terminal kundi sa gate na dinadaan ng mga tenant ng NAIA. Kun­wari ay mga tindera ang mga ito kaya doon nagdaan at diretso na sa gate pasakay ng eroplano. Malaking sindikato umano ang nasa likod ng human trafficking na ito. Sabi ng mga na-rescue, grabeng hirap ang dinanas nila nang makarating sa Myanmar. Nangako naman ang Senado na iimbestigahan ang human trafficking hanggang sa mahubaran ang utak.

Sabi naman ng Bureau of Immigration, wala raw kinalaman ang tanggapan nila sa human trafficking sa Myanmar.

Halukayin pa ang isyung ito na maaaring katulad ng pastillas 1. Kumilos din sana ang Task Force Against Human Trafficking para malaman ang nasa likod nito at maparusahan.

ILLEGAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with