^

PSN Opinyon

Pulis na naman!  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAY nakuhang video ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan bitbit ng dalawang lalaki ang isang nakaposas na lalaki sa labas ng sabungan sa Sta. Cruz, Laguna noong Abril 28, 2021. Malaki ang hinala ng mga kamag-anakan ng nawawalang sabungero na si Michael Bautista ang bitbit ng mga lalaki dahil sa suot nito at pigura ng mukha nang araw na mawala ito. Malaking tulong ito upang matukoy ang mga suspek at malamang ito na ang magiging giya upang matukoy pa ang ilang kasangkot sa pagdukot sa nawawala pang 34 na sabungero.

Puspusan ngayon ang trabaho ng PNP-CIDG sa ilalim ni Director Maj.Gen. Ronald Lee. Malaking tulong ang naku­hang video para matukoy pa ang mga sangkot sa pagdukot sa mga sabungeros at matukoy kung sino ang mas­termind.

Sa paunang imbestigasyon lumalabas na pulis ang dalawang may bitbit kay Bautista dahil sa mga pigura nito. Kaya ipinasailalim sa enhancement ang video upang lalong luminaw at matukoy ang pagkakakilanlan sa dalawang lalaki. Ipinalabas na rin ng PNP ang computerized facial composites ng dalawang lalaki upang mapadali ang pagkilala sa kanila.

Ayon kay Lee, major breakthrough ang video sa kani­lang imbestigasyon. “Hindi ito nilulubayan o isinasantabi, ang CIDG  ay patuloy na naghahanap ng mga ebidensiya at mga saksi na makakatulong sa paglutas ng insidenteng ito”. 

Hindi naman magiging matagumpay ang paghihirap ng PNP kung tikom ang mga bibig ng mamamayan sa nawawalang sabungeros. Kaya kung mayroon kayong nalalaman ukol dito, ipaabot ito sa CIDG upang maisama sa kanilang imbestigasyon.

Huwag kayong matakot na ipaabot sa CIDG ang nalalaman dahil sisiguraduhin naman nila ang inyong kaligtasan. Kapag patuloy kayong tahimik at nagbulag-bulagan, lalong mamamayagpag ang mga pusakal sa lipunan.

Ang impormasyon o video na inyong ipararating sa CIDG ay masusing isasailalim sa beripikasyon upang masiguro na tama ang inyong na impormasyon.

Kaugnay nito, limang pulis at apat na sibilyan ang sinampahan na ng kaso dahil sa missing sabungeros matapos ipag-utos ni Department of Justice (DOJ) secretary Jesus Crispin Remulla.

Mga pulis na naman ang sangkot. Inaabuso na nila ang kapangyarihan kaysa maglingkod sa mamamayan. Kaya nawiwindang ang imahe ng PNP ay dahil sa mga bugok na pulis. Matuldukan na sana ito.

CIDG

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with