^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Susugpuin na naman ang red tape?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Susugpuin na naman ang red tape?

Panibagong pakikipaglaban na naman sa na­ma­­mayaning red tape sa pamahalaan ang layu­nin ng lalagdaang executive order ni President Fer­di­nand Marcos Jr. Pagagaanin umano ang pamumu­hunan ng mga dayuhan sa bansa.

Wala nang magiging balakid sa pagnenegosyo. Sa ilalim ng EO, maglalagay ng Green Lane para mapabilis ang proseso at requirements sa pag-iisyu ng permits at mga lisensya. Batid umano ni Marcos ang mga karaniwang nirereklamo ng mga nagnenegosyo na matagal na proseso. Kapag daw napabilis ang proseso sa pagkuha ng permits, makakasabay na ang Pilipinas sa iba pang bansa at makakahikayat na nang maraming dayuhang mamumuhunan.

Red tape ang karaniwang kalaban ng mga nag­tatayo ng negosyo. Pinatatagal ng mga tanggapan ang pag-iisyu ng permit at kung anu-ano pa. Pero sa totoo lang, humihingi sila ng “padulas” na pera. Kapag walang padulas, aamagin ang papeles o dokumento. Hindi gagalaw.

Ang pagsugpo sa red tape ay ginawa na ni dating­ President Duterte para mapabilis ang serbisyo. Isang EO rin ang nilagdaan niya para masupil ang red tape pero wala ring nangyari. Nagsanga-sanga ang korapsiyon. Lalong lumala ang red tape. At dahil dito, wala nang dayuhang investors na nagnais manatili sa bansa. Nagka-trauma dahil sa corruption.

Laganap ang katiwalian sa mga tanggapan ng pamahalaan. Ayon sa resulta ng 2022 Corruption Perception Index na lumabas noong nakaraang Enero nasa ika-105th ang Pilipinas sa 196 na bansa kung ang korapsiyon ang pag-uusapan.

Noong 2020, ika-111th ang Pilipinas at noong 2021, nasa 102nd na puwesto. Nasa medium risk ng corruption umano ang Pilipinas.

Panibagong pakikipaglaban naman sa mga corrupt ang inihahanda. Dapat magkaroon nang seryosong pakikipagtunggali sa mga kawatan sa tanggapan ng pamahalaan. Hindi ubra ang malam­yang pakikitungo. Kailangang mabulok sa bilang­guan ang mga gumagawa ng katiwalian.

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with