^

PSN Opinyon

Zulueta, hinikayat na maging witness sa kaso ni Ka Percy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Puwede kayang maging state witness si SSupt. Ricardo Zulueta sa kaso ni hard-hitting journalist at commentator Percival Mabasa aka Percy Lapid? Kumikilos kasi ang mga imbestigador ng NBI at PNP para kumbinsihin ang pamilya at kamag-anak ni Zulueta na sumuko na at sabihin ang totoong nangyari sa pagpatay kay Ka Percy.

Ginagamit ng operatiba ng NBI-PNP ang isang kawani ng Bureau of Correction (BuCor) para magsilbing tulay sa pamamagitan ng asawa at apat na anak ni Zulueta. Iginiit ng mga kosa ko na puwede namang maging state witness si Zulueta subalit sa isang kundisyon na ituro niya bilang mas­termind sa kaso ni Ka Percy si ex-BuCor chief Gerald­ Bantag. Kapag naituro kasi ni Zulueta si Bantag, abayyyyy maging lesser offense na ang partisipasyon niya sa kaso at presto....state witness na siya. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Hinihintay na lang ng joint NBI-PNP ang sagot ni Zulueta. Mismooooo!

Ayon sa abogado ng pamilya ni Ka Percy na si Atty. Toto Causing, wala silang pagtutol sa pagiging state witness ni Zulueta dahil hindi naman siya actual na pumatay sa biktima at tulay-tulay lang ang role n’ya. “He (Zulueta) should first surrender and tell the truth. He must also agree to use his confession against the rest of the accused,” ang dagdag pa ni Causing. Subalit, ang pagiging state witness ni Zulueta ay depende sa desisyon o approval ng korte, ani Causing.

Malaki naman ang paniwala ni Causing na may sapat silang ebidensiya para ma-convict si Bantag sa pagpatay kay Ka Percy at middleman na si Jun Villamor. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Maging si Justice Secretary Boying Remulla ay nag-utos na rin na hanapin si Zulueta na sa huling balita ay nagtatago sa isang probinsiya sa Luzon. He­hehe! Samantalang si Bantag naman ay nasa Mindanao.

Siniguro naman ng mga imbestigador na todo-seguridad­ si Zulueta kapag sumuko siya dahil sa pangambang lilikidahin din siya ng mga alipores ni Bantag. Kapag naituro kasi ni Zulueta si Bantag na siyang nag-utos sa pagpatay kay Ka Percy lalong lalakas ang ebidensiya ng Task Force Lapid para ma-convict siya at malapatan ng sukdulang kaparusahan. Hindi lang ‘yan! Maging ang asawa at apat na anak ni Zulueta ay mabibigyan din ng sapat na seguridad kapag pumasok na siya sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno. Tumpak!

Saan ka pa kosang Zulueta? Mas secure si Zulueta kapag sumuko siya samantalang walang kasiguruhan ang kinabukasan niya habang nagtatago. Ikaw rin? Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with