^

PSN Opinyon

Ahas sa Malacañang

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Bakit ba kung sino ang masusugid na tagapagtanggol at supporters ni Presidente Marcos Jr. noong panahon ng pangangampanya ay siyang naging taga-batikos ngayon sa “kahinaan” niya.

May ibang nagpapakalat pa ng tsismis na may balak ang isang sektor na patalsikin si Marcos upang iupong pre­sidente si Bise Presidente Sara Duterte. Lalong pinag­hahati-hati ng ganitong mga walang basehang balita ang sambayanan.

Kung manonood kayo ng You Tube, kapuna-puna na ang mga sinasabi noon na “blind fanatics” ni Marcos Jr. ang siyang tumutuligsa sa kanya bilang under de saya at sunud-sunuran sa asawang si Liza Marcos, partikular sa pagtatalaga ng mga matataas na opisyal.

Ipinapahiwatig pa nila na ang First Lady ang “babaing ahas” na naging dahilan sa pagkakasibak sa mga naunang itinalagang opisyal sa Palasyo gaya nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez at dating Press Secretary Trixie Angeles.

Nakalulungkot ang takbo ng pulitika sa bansa. Ang mga mamamayan ba ay bumoboto ng leader para sa ika­bubuti ng bansa o dahil sa makasariling interes na kung hindi mapagbibigyan ay tutuligsain na ang kandidato ng itinaguyod nila noon?

Alam ng lahat na hindi ko ibinoto si Marcos pero komo siya ang inihalal ng nakararami, dapat siyang suportahan­ upang matamo ang inaasam nating kaunlaran ng bansa­. Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nanalo si Marcos ay naka­amba pa rin ang kaguluhang pulitikal tulad ng naga­ganap ngayon. Dapat nang itigil ang mga walang saysay na siraan at suportahan ang ating nahalal na leader, siya man o hindi ang ating ibinoto.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with