^

PSN Opinyon

QMC child-labor free zone na

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang hindi nakaaalam na nagsimula sa Quezon Memorial Circle (QMC) ang isa sa pinakamakasaysayan at pinakamalaking pagkilos para tuldukan ang child labor sa buong mundo.

Noong Enero 17, 1998, QMC ang nagsilbing panimula sa Global March Against Child Labor. Ang martsa ay umikot sa 103 na bansa sa buong mundo at natapos sa Geneva, Switzerland kung saan isinapinal ang Convention on the Prohibition of the Worst Forms of Child Labour Convention noong 1999.

Kaya minarapat ng siyudad na gawaran ang Quezon Memorial Circle ng Seal of Child Labor-Free Zone sa pagdiriwang natin ng National Children’s Month noong Linggo.

Ibig sabihin nito, lahat ng tenants, guards, gardeners, at admin staff ng QMC ay sumailalim sa masusing training para sa Child Rights at Child Labor 101.

Bukod pa rito, lahat ng establisimento sa QMC ay walang iligal na batang empleyado. Nagbalangkas din sila ng ­sariling Child Protection Policy upang agarang matugunan ang anumang report o insidente ng child exploitation.

Ngunit hindi rito natatapos ang ating hangarin na gawing child-labor free ang ating lungsod kaya itinatag natin ang Quezon City Inter-Agency Task Force for the Special Protection of Street Children and Child Laborers o Task Force Sampaguita sa bisa ng Executive Order No. 41, Series of 2022.

Sa ilalim ng Task Force, na ako mismo ang chairperson, pinagsama-sama ang lahat ng pagkilos ng pamahalaang lungsod para matuldukan na ang anumang uri ng child labor sa Quezon City.

Sa huling bilang, nasa 296 child workers na ang iniligtas ng Task Force Sampaguita mula Setyembre.

Batid din natin na kahirapan ang dahilan kung bakit napipilitan ang mga bata na maghanapbuhay kaya sinabayan natin ang kampanya ng pamimigay ng tulong pinansyal, educational assistance at puhunan para sa maliit na negosyo sa mahihirap na pamilya ng lungsod.

Nagtatag din tayo ng ilang mga center para matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga bata, gaya ng New Molave Youth Home sa Barangay Payatas, Bahay Kalinga sa Barangay N.S. Amoranto, Kabahagi Center at Tahanan.

Sa Quezon City, una ang kapakanan ng mga bata. Palaging nakatutok ang pamahalaang lungsod upang matiyak na sila’y lalaki ng malusog at maayos upang makatulong sa lalo pang pagpapatibay at pag-unlad ng ating lungsod.

CHILD LABOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with