^

PSN Opinyon

Job generation ang tutukan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISA rin akong dating karaniwang wage earner hanggang magretiro ako. Kasama ako sa mga dumadalangin na madagdagan sana ang buwanang kinikita ko.

Pero tama ang panawagan ng mga employers sa gobyerno na ang tutukan ay paglikha ng hanapbuhay sa halip na magsabatas ng pagtataas sa sahod ng mga manggagawa.

Paano gagawin ito nang hindi magbubunga ng overhead expenses sa mga negosyante na magiging dahilan ng kanilang pagkalugi? Kapag nangyari ito, lalong lulubha ang unemployment problem.

Bagsak ang halaga ng pera natin dahil mahina ang produksyon. Kung makakalikha ng karagdagang employment ang pamahalaan sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga mamumuhunan, sisigla ang produksyon at lalakas muli ang buying power ng ating salapi.

Kailangang lingapin ng gobyerno ang mga ordinaryong manggagawa, pero hindi lang naman sila ang nahihirapan kundi pati ang mga nagnenegosyo.

Halimbawa, ‘yung mga may maliit ba na karinderya  ay napipilitang magtaas ng kanilang presyo o bawasan ang inihahaing pagkain sa mga customer.

Iyan din ang problema kahit ng mga malaking negosyo. Kung oobligahin silang magtaas ng sahod ay itataas din nila ang presyo ng kanilang produkto at serbisyo.

JOB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with