^

PSN Opinyon

Promotion papers ng PNP officials, inuupuan ni Executive Sec. Bersamin?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAKATINGALA ang mga senior officers ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ni Executive Secretary Lucas Bersamin dahil sa naantala nilang promotions. Ang malakas na ugong kasi sa Camp Crame at iba pang headquarters ng PNP, ang promotion papers ng mga senior officers ng PNP ay inuupuan ni ES Bersamin. Ano ba ‘yan?

Ano kaya ang dahilan ni ES Bersamin at ayaw niyang pirmahan at i-forward sa opis ni President Bongbong Marcos ang mga papeles ng senior officers para sa final approval? Namumulitika kaya si ES Bersamin? Si ES Bersamin lang ang may kasagutan sa mga tanong na ‘yan, di ba mga kosa? Kaya naman nagugulat ang mga senior officers ng PNP dahil ang action ni ES Bersamin ay taliwas sa ipinanawagan ni BBM na “unity” sa hanay ng mga Pinoy. Anyare? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Weder weder lang talaga!

Wala namang makitang dahilan kung bakit may galit si ES Bersamin sa PNP dahil ginampanan naman ng mga pulis ang trabaho nila nang ambusin ang kapatid niyang si Rep. Luis Bersamin Jr. matapos umatend ng kasal sa Mt. Carmel Church sa Quezon City noong Dec. 2016. Sa pamumuno ni dating Cordillera police director ret. Brig. Gen. Eugene Martin, abayyyy nalutas ang kaso at ang itinuturong mastermind na si ex-Abra Gov. Vicente Valera ay kasalukuyang nakakulong.

Ang isa pang kapatid ni ES Bersamin na si Eustaquio “Takit” Bersamin ay pinalitan pa si Valera bilang gobernador ng Abra. Ang bata o intel chief ni Martin na kumilos para malutas ang kaso ni Rep. Bersamin na si Maj. Jess Cambay ay na-promote na bilang major general at kasalukuyang hepe ng Directorate for Comptrollership ng PNP. Hehehe! Malayo na ang narating ni kosang Jess kaya hindi na siya sumasagot sa tawag. Dipugaaaaa!

Dahil sa pagkalutas ng kaso ng kanyang kapatid, walang makitang dahilan ang mga kosa ko kung bakit hindi maiangat ni ES Bersamin ang kamay niya para pirmahan ang promotion papers ng PNP senior officers. Kasi Ang mga promotion papers ay dumaan na sa Napolcom at sa Civil Service Commission at wala namang makitang dahilan para mabalam ang paglabas nito.

Sa totoo lang, pinaghirapan naman ng mga aplikante ang promotion nila, di ba mga kosa? Kung namumulitika ES Bersamin, baka puwedeng isantabi niya muna ito dahil kapag na-promote kasi itong mga senior officers, hindi lang sila ang matutuwa kundi maging ang kanilang pamilya,kamag-anak at mga tauhan. In the spirit of Christmas, magpatawaran dapat ang mga Pinoy. Dipugaaaaa! Miniting pa ni DILG Sec. Benhur Abalos ang promotable na PNP officials noong September at nangakong personal niyang bitbitin ang mga promotion papers nila sa Palasyo. Anyare? Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with