^

PSN Opinyon

Enabling the abuser (Mga pabayang ama)

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NANINIWALA ako na sinalsal ang balita hinggil sa ibinigay na “legal opinion” ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla kay DSWD Sec. Erwin Tulfo. 

Hinggil ito sa suhestiyon na padadalhan ng sulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga ama na ayaw magsustento o magsuporta sa kanilang anak. 

Sa unang tingin, tila binabara, kinakagalitan o sinasaltik ni Sec. Remulla si Sec. Tulfo. Pero kung hihimayin ang kanyang sinabi, nagbigay linaw lamang ang DOJ sec.

Sa pag-anggulo kasi ng istorya, nilalagyan ng “flavor” ng mga malikhaing kapatid ko sa media ang anggulo ng pagkakasulat o paghahatid ng balita. Siyempre para exciting, para may aksiyon.

Mainit ang isyu sa utol kong si Sec. Erwin, kailangang sakyan para uminit pa lalo. Pero walang masama sa “paglilinaw” ng sekretaryo ng DOJ, pinasama lang ang dating ng mga nagbalita.

Mas maganda, magsanib puwersa na lang ang dalawang ahensiyang ito para hindi maging kawawa ang mga single mom.

Maaaring ang suhestiyong ito ng DSWD ay nagmula sa napapansin nilang pagdagsa ng mga lumalapit sa kanilang tanggapan na may ganitong problema.

Dahil ang mga loko-lokong ama, basta lang anak ng anak pagkatapos ay pababayaan lamang sa mga nanay ang kanilang responsibilidad. 

Pangingialam o kalabisan bang matatawag ang pagtawag ng pansin o pagpapaalala sa kanilang responsibilidad? Demand ba itong matatawag? 

Kahit naman siguro pribadong indibiduwal, kapag nilapitan at hiningian ng tulong ng nangangailangan ay gagawin sa abot ng kanyang kakayahan na matugunan ito. Malasakit ang tawag dito.

Lalo na kung tanggapan na ng gobyerno ang nilapitan. Trabaho nilang tulungan ang mga mamamayang lumapit sa kanilang opisina. Tungkulin nilang itaas ang antas ng pamumuhay ninuman.

Hindi na importante kung saan mang tanggapan ka dahil walang masama kung tumulong sa pamamagitan ng pagpapa-alala.

Kasi kung pepreno ka dahil kesyo hindi mo trabaho, you are just trying to enable the abuser – in this case, the deadbeat father to continue their wickedness. 

Hindi na pinag-uusapan dito ang posisyon. You can always stand as an individual, a father or a parent na paalalahanan ‘yung iresponsableng ama na nakakalimot.

O, kayong mga iresponsableng putris na ama, kapag nangati ang inyong mga bombolyas, ikiskis n’yo na lang sa semento o isuksok n’yo sa buho. ‘Wag kayong aanak-anak pa tapos ipapasalo n’yo sa gobyerno. Kesehodang disgrasya o planado, responsibilidad na ‘yan.

vuukle comment

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with