^

PSN Opinyon

Higit 80,000 proud senior Makatizens, may bonus din!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Matapos ibigay ang pinaka-aabangang Christmas bonus­ ng mga city government employees noong November 15, pasasayahin naman natin ang Pasko ng mga mahal nating senior Makatizens.

Alam n’yo namang bida talaga sa Makati sina nanay at tatay at ang ating mga lolo at lola. Nagsimula na ang pagbibigay ng year-end cash incentives para sa 83,857 senior citizens na may Blu Card bago pa mag-December.

Ang cash incentives ay direktang ipinadadala sa kanilang mga GCash accounts para sa mas safe, conve­nient, at mabilis na distribusyon ng kanilang pamasko.

Sa ilalim ng ating expanded benefits program para sa mga senior, ang Blu Card holders ay nakakakuha ng cash gifts dalawang beses isang taon: tuwing July at December. Para nitong year end, ang seniors na edad 60-69 ay makatatanggap ng P1,500; edad 70-79, P2,000; edad 80-89, P2,500; at edad 90-99, P5,000.

Samantala, ang mga centenarian na edad 101 pa­taas ay makatatanggap din ng P5,000 year end cash gift. Pero, kailangang Blu Card holder na siya for at least five years. Kung hindi ay P2,500 lamang ang makukuha niyang cash gift ngayong Pasko.

Kaya mahal naming Blu Card members, abangan na lamang sa inyong account ang maagang regalo mula sa pamahalaang lungsod.

***

Pinuri ng Department of Health (DOH) ang Makati City government para sa ating mga programa na sinisigurong healthy at safe ang lahat ng baby Makatizens.

Sa isang simpleng seremonya sa Makati City Hall noong Thursday, tinanggap ko ang Certificate of Recognition mula sa DOH para sa outstanding performance ng ating “Vax-Baby-Vax” campaign.

Sakop ng programang ito ang iba’t ibang viruses and illnesses tulad ng Hepatitis B, Diphtheria, Pertussis, Tetanus, Haemophilus Influenza Type B, Polio, Measles, Mumps, at Rubella.

Kaya paalala po sa mga mommies, baka po may kulang pang bakuna si baby. Napakadali pong magpunta sa ating mga health center para makumpleto ang kanilang proteksyon laban sa maraming uri ng sakit.

***

Muling magsasagawa ang Makati Economic Enterprise Management Office, Department of Trade and Industry, at Department of Agriculture ng Kadiwa sa Pasko 2022 sa Martes, November 29, 2022, mula 8:00 a.m. – 5:00 p.m., sa Makati City Hall Quadrangle.

Murang prutas, gulay, frozen meat products, at iba pang produkto ang mabibili dito. Layunin ng programa na suportahan at matulungan ang local farmers na maibenta ang kanilang mga produkto.

Para sa mga nais pumunta, magdala ng eco-friendly bags, mag-face mask, at sumunod sa health protocols.

Ilang linggo na lamang po at Pasko na, kaya naman kami sa pamahalaang lungsod ay abalang-abala sa pagsasagawa ng mga proyekto para lalong maging masaya, maganda, at maginhawa ang ating kapaskuhan.

CHRISTMAS BONUS­

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with