Kalamidad sa Mindanao
Dumadalas na ang mga pagbaha, landslide at paglindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao na dati ay hindi naman naabot ng ganun katinding mga sakuna na ikinamatay nang maraming tao at marami rin ang na-di-displace.
Dati nga ang naging panghikayat upang ang mga investors ay maglagay ng negosyo rito sa katimugan ay dahil nga typhoon-free ang malaking bahagi ng Mindanao. Maliban sa come-on na ito, mayaman din sa natural resources lalo na sa agrikultura mula sa karagatan at kalupaan.
Ngunit nitong mga huling araw, hindi na maikaila na nangyayari na ang sinasabing epekto ng climate change at nandun na ang mga matinding pag-ulan na walang humpay na nagdadala nang malawakang baha at landslide sa mga bayan sa Maguindanao, North Cotabato, Davao del Sur at Davao Occidental.
Milyones ang inabot sa mga nasirang mga pananim at infrastructure dahil nga sa mga pagbaha na sinabayan pa ng pagguho ng lupa o landslide.
Hindi na biro ang rangyayari sa Mindanao at kailangan na ng ibayong paghahanda at estratehiya ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong mamamayan sa panahon ng sakuna.
Kailangan na rin ng panibagong pagtingin sa pangangailangan ng mga taga-Mindanao.
- Latest