^

PSN Opinyon

Dagdag pahirap sa taumbayan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nangangamba ang mga kongresista sa tila kaduda-duda na backdoor deal sa pagitan ng Grab Philippines at Move It sa isinagawang hearing ng Kongreso ng House Committee on Metro Manila Development.

Nagpapanting at uminit ang ulo sa galit ng mga kongresista nang aminin ni Philippine Competition Commission (PCC) division chief for notification and acquisition Atty. Juan Antonio Arcilla na patuloy ang fare increases sa channel ng pagpapataw ng fines ng PCC dahil sa overcharging nito.

Kaya naman pala! Karagdagang pahirap na naman ito sa madlang people kung maisakatuparan ito.

Kaya naman napakunot noo at halatang ikinainis ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang kabiguan ng PCC na ipagbigay-alam ang maanomalya na pagtataas ng Grab sa kabila na ang bansa ang nasa malayo po sa pag-recover na dulot ng pandemya.

Ayon kay Quimbo “Parang hindi ko yata matanggap na hinihintay ninyo dun sa regulated entity ang kanilang compliance. Nung ako po ay nasa PCC, sinet-up po namin ang sistema para lahat po ng datos sa pricing nakikita po ng mga regulator. Hihintayin natin sila mag-report? Kung ganun ang sistema, alam na po natin ang magiging laman ng report”.

Kasabay nito, inatasan din ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang Grab at Move It na isumite sa House Committee on Transportation ang mga dokumento ng kanilang naging bentahan o acquisition agreement. Sinabi din ni Chua na dapat malaman ang estado ng dalawang transportation network vehicle service (TNVS) operator.

Dagdag pa nito na malinaw na mali at ilegal at hindi puwede ang backdoor entrance na gaya ng ginawa ng Grab at Move it. Ilan pang mambabatas ang nagpahayag ng pagtutol sa naging backdoor deal ng Grab at Move It na ayon sa kanila ay dapat mapatawan ng aksiyon o parusa.

vuukle comment

PCC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with