^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pulis na killer at torturer

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pulis na killer at torturer

NAKAKATAKOT kapag ganito ang pulis. Nang-torture na ay nagawa  pang patayin ang mga kaba­taang inaakusahang sangkot sa ilegal na droga. Ito ang napag-aralan ng pulis na si PO1 Jeffrey Perez—ang magpahirap sa suspect, taniman ng ebidensiya at saka patayin. Nakakatakot ang ganitong pulis at sana wala nang katulad niya ngayon. Naghahatid ng pangamba kung ganitong klaseng pulis ang nasa kalye. Mapanganib para sa mamamayan.

Police officer 1 lamang si Perez pero maagang umakyat sa kanyang utak ang kakaibang klase ng pag­papahirap sa mga inaakusahang sangkot sa droga­. Nang maglunsad ng giyera laban sa ilegal na droga ang Duterte administration noong 2017, kabilang si Perez sa mga “ulol” na aso na pinakawalan ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng “Oplan Tokhang”. Binigyan ng lisensiya para mandakma ng mga “tulak” at addict sa droga. Huli rito, huli roon na walang patumangga. Kahit sino ang makita sa kalye sa kalaliman ng gabi, aarestuhin at ang pumalag, bobogain!

Ganito ang ginawa ng mga pulis na sina Perez at PO1 Ricky Arquilita noong 2017 nang hulihin nila sina Carl Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman at inakusahang nagbebenta ng ilegal na droga. Tinorture nila ang dalawang biktima at saka pinatay. Ang matindi, itinapon pa nila ang bangkay ni De Guzman sa Bulacan. Para maging makatotohanan, tinaniman ng droga si Arnaiz at saka nilagyan ng baril sa tabi ng bangkay nito.

Pero lumabas din ang katotohanan. Hindi nagtagumpay ang dalawang pulis. Noong isang araw, hinatulan na si Perez ng Caloocan City Regional Trial Court ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pag-torture at pagpatay kina Arnaiz at De Guzman. Ang kasamang pulis ni Perez na si Arquilita ay maagang nahatulan dahil namatay ito sa bilangguan bago pa bumaba ang hatol.

Sabi kamakailan ni PNP chief General Azurin, wala na raw mamamatay dahil sa giyera sa droga pero kailangan din naman daw protektahan ng pulis ang sarili. Sana nga wala nang mangyari tulad ng kina Arnaiz at De Guzman. Isang dapat gawin ng PNP chief ay maging maingat sa pag-recruit ng mga pulis na gaya ni Perez at Arquilita. Hindi sila nararapat sa serbisyo sapagkat maagang “nauhaw sa dugo”.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with