^

PSN Opinyon

P10,000 ayuda bill dapat nang ipatupad

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Katakut-takot na puna ang ibinabato ng mga netizens­ sa social media kay Sen. Alan Peter Cayetano. Kasi, ang bill na isinusulong niya noong member pa siya ng Mababang Kapulungan na P10K ayuda sa mga mahihirap ay hindi pa naipatutupad.

May pera namang nakalaan na P200 bilyon para dito, bakit hindi maipatupad? Nagkaroon na ng pandemya, nag­­ta­asan na ang presyo ng mga bilihin, nanalasa na ang mga bagyo, wala pa ring linaw ang pagbibigay ng P10K ayuda.

Ayaw pansinin ng ibang lawmakers ang bill. Iyan ang hirap sa pulitika. Kahit mabuti ang batas, maraming tututol huwag lang magmukhang bida ang proponent. Inihain uli ito ng senador sa 19th Congress. Hanggang ngayon, si Cayetano ay mistulang nanunuyo sa mga kapwa senador at ang Department of Budget and Management (DBM) na ibigay na ito sa mga pamilyang Pilipino.

Bagaman at may perang nakalaan, nakakalat ito sa iba’t ibang ahensiya. Ang budget para sa susunod na taon ay may mga cash aid sa mga magsasaka, mangi­ngisda, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, displaced workers, at mga driver ng pampublikong sasakyan. Kung kalat-kalat ang pondo, baka matengga ang salapi nang hindi nakakarating sa dapat makinabang.

Noong nakaraang taon, may P780.71 million sa Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi na-claim ng dapat sana’y mga benepisyaryo. May mga sumubok na mag-apply para makakuha nito, pero kung hindi man na-reject ay hindi na na-claim sa remittance center ang pera dahil sa kalituhang dulot ng mahabang proseso.

Dapat, direktang ibigay na lang sa bawat pamilyang mahihirap ang ayuda. Ani  Cayetano, dapat maging simple ang proseso at wala ng kung anu-anong mga daraanan ang mga benepisyaryo bago sila makakuha ng ayuda kailangan nila ng pagkain agad-agad dahil kumakalam ang kanilang mga sikmura.

Umaasa si Sen. Cayetano na baka makahabol pa ito sa 2023 para mabawasan ang kaliwa’t kanang proseso kailangan pagdaanan ng mga benepisyaryo.   Kung talagang matatalino at may malasakit ang mga nakaupo nating opisyales sa economic team ng gobyerno, puwedeng-pwedeng mangyari ito. Tandaan natin na walang imposible sa nangangarap ng magandang hangarin para sa taong bayan.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with