^

PSN Opinyon

Pagkaing pampapayat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Alam ba ninyo na mayroong mga pagkaing makatutulong sa pagpapapayat? Narito ang mga iyon pero huwag sosobra ang kakainin.

1. Gulay at ensalada (salad)—Ayon sa isang pagsusuri na ipinalabas sa Journal of the American Dietetic Association, ang mga taong kumain ng ensalada ay may mas mataas na lebel ng anti-oxidants sa kanilang katawan. Mataas sa fiber ang gulay, kaya ito nakabubusog sa ka­unting calories lamang. Suka lang ang gamiting sawsawan at huwag na ang mayonnaise sauce o Thousand Island dressing.

2. Suha at grapefruit—Ayon sa mga dalubhasa ng Louisiana State University, ang pagkain ng grapefruit 3 beses sa maghapon ay nakapapayat ng 4 pounds sa loob ng 3 buwan. Ang suha natin ay kapamilya ng grapefruit sa America. Ayon sa mga researchers, ang acid ng grapefruit ang tumutulong sa pagpapabagal ng digestion, kaya tayo ay mas nabubusog.

3. Mansanas—May kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Ayon sa scientists ng Penn State, ang mga taong kumakain muna ng isang mansanas bago mag-tanghalian ay nakakabawas ng 187 calories sa kanilang makakain. Mabilis makabusog ang mansanas dahil ito ay may pectin, isang klase ng fiber na nakabababa ng cholesterol at asukal sa dugo. Tandaan: Para hindi ma­pa­rami ang iyong kakainin, mag-mansanas o mag-suha muna.

4. Peras o pears—Napag-alaman sa isang pag-aaral sa Brazil na ang mga taong kumakain ng 3 peras o man­sanas bawat araw ay mas mababa ang timbang kumpara sa hindi kumakain nito. Sa katunayan, ayon sa U.S. Food and Drug Association, mas maraming fiber ang peras kumpara sa mansanas, kaya mas busog ka dito.

5. Itlog—Ang itlog ay masustansya at magandang ka­inin sa almusal. Sinabi ng Journal of the American College of Nutrition na ang mga taong kumakain ng itlog sa almusal ay mas nabubusog. Kahit alam nating may kolesterol ang pula ng itlog, puwede pa rin kumain ng isang itlog sa maghapon. Iyan ang payo ng American Heart Association.

6. Saging—Sa Japan, nauso ang “Banana-diet” kung saan maraming tao ang pumayat sa pagsunod nito. Sa katunayan, may isang Pilipinong exercise instructor ang pumayat ng 50 pounds sa pagkain lamang ng saging. Maraming benepisyo ang saging. May sangkap ito na makatutulong sa taong may ulcer (dahil sa flavonoids), nag-e-ehersisyo (dahil sa potassium) at nalulungkot (dahil sa tryptophan). Ugaliing kamain ng 1 o 2 saging bawat araw. Ito ang gawin ninyong meryenda.

PAMPAPAYAT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with