^

PSN Opinyon

Apela ng governor sa Comelec

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Sandamukal sa mga nanalo noong Mayo 9 polls ay nanu­nungkulan na sa loob ng halos 100 araw sa kanilang mga posisyon. Kaya naman kampante na ang kanilang mga cons­tituent na susulong na ang pagbabago sa kanilang pamu­muhay matapos na padapain ng pandemya dulot ng COVID-19. Ang masaklap nito binayo pa ng kalamidad ma­tapos manalasa ang mga bagyo na lumubog sa baha ang kanilang mga pananim at ang pagkasira ng kanilang mga tahanan. Idagdag pa natin rito ay itong pagtaas ng mga bilihin matapos na sumirit ng ubod taas ang petrolyo.

Kaya naman lahat ng kaparaanan ay ginawa na ng mga nahalal noong nakalipas na eleksyon. Subalit tila hinad­langan ito ng mistulang pagpapataasan ng ihi ng ilang sangay ng pama­halaang Marcos administration. Kasi nga para sa ilang lokal na kandidato, hindi pa tapos ang laban sa nakalipas­ na halalan. Ito’y dahil sa pataasan ng ihi sa pagitan ng Supreme Court at ng Commission on Elections hinggil sa kasong kinasasangkutan ng nuisance candidates. Nagdu­dulot ito ng kalituhan kung aling ahensya nga ba ang may eksklusibong kapangyarihan sa pagdedeklara ng “nuisance candidate.”

Nanindigan ang Comelec na ito lamang ang may awtoridad, subalit iginiit naman ng SC ang constitutional power nito sa pagdedesisyon bilang final arbiter. Ano nga ba mga suki? Dahil sa argumentong ito, nagagambala ang pamama­hala at nagdudulot ito ng tensyon sa mga lokalidad. Isang halimbawa nito ay ang pagproklama ng special board of canvassers sa isang kandidato bilang duly-elected governor sa isang lalawigan sa Visayas, sa Comelec central office sa Maynila noong kamakailan makaraang ilipat sa kanya ang boto ng nuisance candidate.

Pagkatapos ng final recount, nakakuha ang kandidato ng 331,726 votes, kabilang ang mga boto na inilipat sa kanya mula sa kandidatong kapareho niya ng apelyido, habang ang kanyang katunggali ay mayroong 301,319. Ang re-electionist governor ay unang nakakuha ng 281,773 na boto noong May 9 elections. Bago nangyari ang proklamasyon, ibinaba ng Comelec en banc noong September 27 ang desisyon na nuisance candidate ang isa pang tuma­takbo sa pagka-gobernador na kapareho ng apelyido ng isang kandidato sa naturang posisyon. Pinawalang bisa rin ng poll body ang proklamasyon ng kandidato na unang idineklara bilang nanalo sa nakalipas na May 9 elections.

Ibinigay din ang Certificate of Canvass of Votes and Proclamation of Winning Candidate sa bagong nanalong kandidato. Kailan lang ay sinabi ng napatalsik na gubernador sa isang programa sa radyo na handa siyang bumaba sa puwesto kung ipag-uutos ng Department of the Interior and Local Government at Korte Supreme. Ngunit umapela ito na rebyuhin o pag-aralan muli ng Comelec ang merito ng kaso.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with