^

PSN Opinyon

Ang 2 abogado sa PCSO, bow!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Sino sina Atty.Greg at Atty. Nick sa Philippine Charity­ Sweepstakes Office (PCSO). Walang tunog sa mga kosa ko ang mga nabanggit na pangalan subalit may alam sa kanila si Sen. Raffy Tulfo, ang vice chairman ng Committee on Games and Amusement.

Tinawag ni Tulfo sina Atty. Greg at Atty. Nick na “in and out” sa PCSO. Ayon kay Tulfo, si Atty. Greg, na emple­yado ng PCSO, ay pinatawag at kinausap ang mga gam­bling lords matapos maupo sa puwesto si President Bongbong Marcos. Hindi sinabi ni Tulfo kung ano ang nangyari sa usapan nina Atty. Greg at mga gambling lords. Kayo mga kosa may naulinigan kayo? Araguuyyyyyy!

Si Atty. Nick naman, ayon pa kay Tulfo, ay in-charge ng gastusan tulad ng abroad, big events at liaison din ng PCSO sa Pagcor. Ano ba ‘yan? Inamin naman ni PCSO chairman Junie Cua na kilala niya si Atty. Greg dahil emple­­yado nga ito ng ahensiya nila. Subalit iginiit ni Cua na hindi ito naka-assign sa kanyang opisina. Saang opis kaya si Atty. Greg?

Eh di wow! Sinabi pa ni Cua na hindi nIya kilala si Atty. Nick. Dipugaaaaa!

Ginawa ni Tulfo ang pagbubulgar kina Atty. Greg at Atty. Nick sa isinagawang Senate hearing kamakailan kung saan ginisa niya ang PCSO at Pagcor. Hehehe! Ang tapang ni Tulfo ‘no mga kosa? May binanggit pa si Tulfo tungkol sa kautusan ng Department of Finance na ibalik—ang tax ba ‘yon sa winnings sa palaro ng PCSO? Hindi naipaliwanag ni Tulfo ang isyu subalit sinang-ayunan siya ni Cua na dapat ibalik talaga ito dahil sa kautusan ng DOF. Ayon kay Tulfo, nakarating pa sa kaalaman niya na payag naman ang PCSO na ibalik ito subalit sa kondisyon na kalahati lang. Araguuyyyyy!

Inungkat din ng senador ang two percent na sinisingil ng PCSO sa pag-imprenta ng paraphernalia ng Small Town Lottery na dapat ay sagot ito ng STL operators. Ayon kay Cua wala silang printing press at hindi nila saklaw ang pagpagawa ng pulyetos ng STL. Dipugaaaaa!

Kaya lang ang expose na ito ni Tulfo ay natabunan sa pagkapanalo ng 433 bettors sa Lotto draw noong Linggo. Gumana ang mga Marites kahit panay paliwanag naman ni PCSO General Manager Mel Robles na puwede ito dahil maraming Pinoy ang mahilig mag-alaga ng kanilang numero. Kasama si Sen. Koko Pimentel sa nagsasabing imposible ito kaya nagpatawag s’ya ng Senate hearing para busisiin ang isyu. Walang katapusang Senate hearing na ito. Abangan!

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with