^

PSN Opinyon

Media killing uli?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Si Percival Mabasa ay kilala ko mula pa nang aktibo ako bilang opisyal ng National Press Club of the Philippines, marahil mahigit 20 taon na ang nakararaan. Kaibigan ko rin ang kapatid niya si Roy Mabasa na isa ring journalist/columnist sa isang pahayagan.

Sa pagkakilala ko sa kanya, isa rin siyang pub singer. Magaling maggitara at umawit ng folk songs. Anak siya ng beterano at yumao nang radio commentator na si Mars Mabasa.

Nalungkot ako pero hindi nagulat sa balitang inambus siya sa Las Piñas noong Lunes ng gabi habang lulan ng kanyang itim na Innova.

Noon ko pa naiisip na sa matapang na estilo ng kanyang­ komentaryo, malamang ay magiging biktima siya ng pag­paslang. Kapag ibinulgar mo ang baho ng sinuman, lalo pa’t impluwensiyal na tao, malamang ay may kalalagyan ka.

Matagal na kaming walang ugnayan ni Percy (kilala rin sa tawag na Percy Lapid) pero sinusubaybayan ko ang Vlog niya sa You Tube ng kanyang radio program sa DWBL na “Lapid Fire.”

Akmang-akma ang titulo nang programa. Matapang at walang sinasanto ang kanyang programa na ang bina­batikos ay palaging si dating Presidente na kung tawagin niya ay “Digong-nyo.” Natapos ang termino ni Presidente Duterte pero walang nangyaring masama kay Percy.

Kung kailan si President Bongbong na ang nakaupo ay doon pa siya nadale samantalang hindi naman lubhang matalas ang banat niya rito.  Sa lahat ng nakaraang admi­nistrasyon ay may mga naganap na media killing. At ang palaging buntunan ng sisi ay ang administrasyon.

Hanggang bago mamatay, matalas at walang takot pa rin ang dila ni Percy pero marami siyang inuupakan katulad nina dating Mayor Isko Moreno at ang bise niyang si Honey Lacuna at marami pa. Kaya mahirap magparatang kung Sino ang mga salarin sa dami ng mga nasaktan sa komentaryo ni Percy.

Nangako naman ang PNP na lulutasin ang kaso sa loob ng 24 oras. Kung magkagayon, marami ang nag-aabang sa resulta ng pagsisiyasat sa araw na ito. Isa kang media hero Percy!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with