^

PSN Opinyon

Beauty tips: 5 'post-mask' tips para sa mas magandang kutis

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Beauty tips: 5 'post-mask' tips para sa mas magandang kutis

Sa lahat ng mga nangyaring hindi maganda nitong nakalipas na dalawang taon, hindi ko kayo masisisi kung hindi ninyo nabigyan ng sapat na atensyon ang pangangalaga sa inyong balat. Kung lumabas man tayo ng bahay, parati tayong may suot na face mask kaya marahil ang ilan sa atin, ni hindi na naglalagay ng face powder or lipstick. O baka pati ang pangangalaga sa balat ay nakaligtaan na din natin. Ang tinutukan kasi natin ay ang panatiliing ligtas ang ating pamilya sa Covid virus. 

Pero ngayong narito na tayo sa “new normal” at hindi na tayo kinakailangan pang magsuot ng face mask kung tayo ay lalabas ng bahay, bigyang prayoridad na natin ang ating kutis.  Narito ang ilang payo mula sa ating kaibigang dermatologist na si Dr. Anna Marie Montesa ng Montesa Medical Group Aesthetic Center na naging panauhin natin sa ating programang “Pamilya Talk.

1. Panatilihing malinis ang iyong balat. "Hugasan ang iyong mukha dalawang beses sa isang araw at huwag matulog nang hindi inaalis ang iyong makeup," sabi ni Dr. Montesa. Gumamit ng banayad na makeup remover o micellar water na mabibili sa beauty counters o sa inyong dermatologist. "Iwasan ang paggamit ng oil-based o alcohol-based makeup remover dahil ito ay maaaring maging sanhi ng pagbabara ng pores ng balat. Gumamit ng cleanser na non-comedogenic (hindi nakakabara ng pores),” payo niya. Ang alkohol ay nagiging sanhi ng panunuyo ng balat na maaaring mauwi sa pangangati o impeksyon.

2. Iwasang magpaaraw matapos maglagay ng pampaputi sa balat. Bilin ni Dr. Montesa, maraming nabibiling whitening treatments na hindi FDA approved, at agiging sanhi ng melasma o pangingitim ng balat. Sabi din niya, ang pagpapaputi ay karaniwang ginagawa ng isa o dalawang beses lamang sa isang taon. Matapos sumailalim sa ganitong treatment, dapat iwasang maarawan ng tatlong araw hanggang isang linggo. Gayundin, makabubuting itigil muna ang pagpapahid ng anumang uri ng gamot sa balat kung ikaw ay bibilad sa araw dahil maaari itong magdulot ng pinsala sa iyong balat.

Sabi ng dermatologist na si Dr. Anna Marie Montesa (left), bukod sa pagbilad sa araw, sanhi rin ng pagtanda o pangungulubot ng balat ang stress, paninigarilyo, pag-inom ng alak, at kawalan ng tulog.

3. Protektahan ang iyong balat sa maagang pagtanda. Palaging maglagay ng sunblock na may SPF 30 o higit pa. "Kailangang maglagay nito kada dalawang oras lalo na kung ikaw ay nakabilad sa araw at pinagpapawisan,” sabi ni Dr. Montesa. Kung maglalagay ka ng makeup, mas maiging pumili ng produktong may SPF. Kahit alas siyete o alas otso ng umaga, matindi na ang sikat ng araw, kaya mas maiging maglagay ng sunscreen kapag lalabas ng bahay o kung nagtatrabaho malapit sa bintana na nasisikatan ng araw. 

Sabi ni Dr. Montesa, hindi totoo ang akala ng ibang kapag morena ay kaunti lang ang proteksyong kailangan mo laban sa araw. “Kahit na protektado ng melanin ang ating balat, tatanda pa rin ito kapag nagpaaraw ka,” sabi niya. 

4. Alamin ang uri ng iyong balat bago pumili ng gagamiting produkto. Mayroong limang uri ng balat—normal (hindi malangis at hindi rin nanunuyo), dry o nanunuyo (magaspang), oily o malangis (may malalaking pores, madaling magkaroon ng blackheads at acne), combination (oily sa T-zone area, tuyo sa pisngi), at sensitibo (madaling mangati o mamula). 

Kung sensitibo ang iyong balat, iwasan ang mga produktong mayroong alcohol. Itigil din ang paggamit ng isang produkto kung ikaw ay nakakaramdam ng stinging sensation. Kung may naipahid kang ganitong produkto, hugasan kaagad ang iyong mukha. Gumamit lamang ng mga banayad na produkto. Iwasan ang produktong mayroong pabango o peeling products o yung mga nagiging sanhi ng pagbabalat.

Kung nanunuyo ang iyong balat, pumili ng magandang klase ng moisturizer. Maaaring manuyo ang balat dahil sa paggamit ng mainit na tubig kapag naliligo o naghihilamos, at dahil sa mainit na panahon. Nanunuyo rin ang balat dahil sa pagtanda at sa impluwensya ng ating pangkabuuang lifestyle o pamumuhay. Ang panunuyo ng balat ay maaaring pansamantala o panghabambuhay; kung hindi ito matugunan nang maaga, maaari itong humantong sa impeksyon.

Kung sensitibo at tuyo ang iyong balat, mas maiging gumamit ng moisturizer na non-comedogenic. "Kung nag-apply ka ng maling moisturizer, maaari itong maging sanhi ng pangangati o ng pagkakaroon ng tagyawat," sabi ni Dr. Montesa.

Ang mga produktong may alpha hydroxy acid o anti-bacterial cream ay inirerekomenda para sa mga malangis ang balat or yung mabilis tagyawatin.   Ngunit pinakamahusay na humingi ng payo sa iyong dermatologist upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga tagyawat na nag-iiwan ng peklat. Pinapayuhan din ni Dr. Montesa ang mga may acne-prone na balat na kumuha ng acne treatment facial sa halip na pangkaraniwang facial lamang. Ang Montesa Medical Group ay may espesyal na gamot na tumutulong sa pagtanggal ng bara sa mga pores ng balat at gayundin sa paggamot sa malalaking pimples. Naglalagay din sila ng isang espesyal na mask treatment na nagpapatuyo ng mga tagyawat. Kailangan bang maglagay ng moisturizer kung oily na ang iyong balat? Sabi ni Dr. Montesa, oo. Ngunit pumili ng uri na non-comedogenic.

Nagbabala rin si Dr. Montesa sa paggamit ng mga over-the-counter na gamot sa balat na maaaring magdulot ng panghabambuhay na pinsala sa balat, gaya ng peeling treatments.

5. Kumonsulta sa isang dermatologist. Kung mayroon kang anumang mga problema sa balat, huwag mag-atubiling magpatingin sa isang eksperto. Iwasang mag-self-medicate at gumamit ng kung anu-anong produkto. Sa Montesa Medical Group Aesthetic Center (matatagpuan sa Tomas Morato, Quezon City at Ayala Circuit Makati), mayroong Ultrawhite European Facial na gumagamit ng mga natural na sangkap na banayad sa balat, at whitening treatment na hindi makakasama sa iyong kutis.

Bilang huling paalala ni Dr. Montesa, tatlong bagay daw ang hindi dapat kalimutan sa pangangalaga sa balat, “Panatilihing malinis, moisturized, at protektado sa araw ang balat.” 

 

--

Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected]

BEAUTY ESSENTIALS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with