^

PSN Opinyon

Ano ang pakinabang ng POGO para sa bansa?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Bakit ba maraming opisyal, pati na mambabatas ang iginigiit na ibalik ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO? Dapat kung igigiit mo ang isang bagay, ito ay para sa ikabubuti ng bansa.

Ibig kong sabihin, magbubuhos ito nang malaking halaga sa kaban ng bayan na makatutulong para tustusan ang mga proyektong pambansa. Ngunit walang masabi na social cost ang Department of Finance upang bigyang-hustipikasyon ang pananatili ng POGO sa bansa.

‘Yun bang magkano ang gugugulin ng pamahalaan sa pagpapahintulot sa POGO operations kumpara sa benepisyo o perwisyong maidudulot nito. Nabunyag ito sa isang Senate hearing ng senate ways and means committee. Inamin ng isang finance official na wala silang datos sa social cost.

Mahirap tumukoy ng katanggap-tanggap na social coat porke ang ibinubunga ng POGO ay ang pagtaas sa crime rate tulad ng kidnapping at prostitution sa ating bansa.

Mayroon pang ulat tungkol sa paglaganap na venereal disease dahil sa mga Chinese workers sa POGO na gumagamit ng bayarang mga babae. Nakalulungkot na maging ang isang departamento ng pamahalaan ay kinakatigan ang POGO.

Dapat isipin na kahit sa China mismo ay ipinagbawal na ito dahil nakapeperwisyo sa lipunan. Kapag ang perwisyo ng isang bagay ay mas malaki kaysa maibibigay na benepisyo, ibasura iyan! Kung pakasusuriin may bahid ng kriminalidad ang POGO at hindi dapat payagan sa bansa.

Kung may mga underground operators, mayroon tayong nakatalagang law enforcement arms para tugisin at parusahan ang mga iyan.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with