^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Drug test sa mga artista

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Drug test sa mga artista

ISINUSULONG ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mandatory drug test sa bawat artista bago ito bigyan ng pelikula. Ayon kay Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs, ang mga artista ay nararapat na drug free dahil ang mga ito ay public figures at iniidolo ng publiko lalo ng mga kabataan. Dapat silang maging halimbawa kaya nararapat na malinis ang kanilang image. Ayon pa kay Barbers dapat bantayan ng mga namumuno sa movie industry ang mga artista at paigtingin din ang kampanya sa droga sa pamamagitan ng paghikayat na suma­ilalim sa drug test.

Magandang hakbang ang isinusulong na mandatory drug test sa mga artista. Dapat namang magkusa na ang mga artista na magpa-drug test para mahikayat din ang iba pa. Kung ang lahat ay magkukusa, mawawala ang agam-agam ng publiko na ang kanilang hinahangaang artista ay lulong sa droga.

Ang mandatory drug test ay biglang umusbong nang mahuli sa drug buy-bust operation ng Quezon City police si Dominic Roco at apat na iba pa noong Sabado sa Bgy. Holy Spirit. Si Roco ay anak ng beteranong actor na Bembol Roco. Kinasuhan na ng paglabag sa Comperehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Dominic at mga kasama.

Noon pa man, marami nang artista ang nasangkot sa droga. May anak pa ng sikat na action star na nahulihan ng marijuana. May mga dating starlet na sangkot sa paggamit at pagbebenta ng droga. Marami nang artista ang sinira ng droga. Nalulong sila at hindi na nagningning ang kanilang bituin. Huli na para magsisi sapagkat nawarat na ang kinabukasan. Napapanahon ang pagsusulong na mandatory drug test sa mga artista. Umpisahan na ito.

DRUG TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with