^

PSN Opinyon

Kartel sa sibuyas paano mahihinto

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG 2007 pa nalantad ang kartel sa sibuyas, bawang, paminta at luya. Maraming beses pinangalanan sa kongreso­ ang reyna ng kartel. Pinangakong ipakukulong siya sa kasong smuggling, hoarding at pagmanipula ng presyo ng pagkain. Walang nangyari.

Ngayong sumipa ang presyo ng puting sibuyas sa P400 kada kilo mula P120. Ang palusot ng bureaucrats ng Dept. of Agriculture ay dahil walang nagtanim nito sa La Union, Pangasinan at Nueva Ecija. Sa halip, pulang sibuyas lang umano ang tanim kaya kinapos ang supply ng puti.

Laliman sana ng DA bureaucrats ang imbestigasyon. Unang-una, hindi pa panahon ng pagtatanim ng puting sibuyas. Pinupunla ito tuwing Nobyembre, kung pakonti na ang ulan at papalamig ang klima. Aanihin ang puting sibuyas bandang Enero-Pebrero.

Pag-aralan din ng DA bureaucrats ang kartel. Marami nang nawalan ng gana magtanim ng puting sibuyas dahil sa raket nito. Sa legal na imports at smuggling, nagpapasok­ ang kartel ng bulto-bultong sibuyas mula China, Korea at Europe. Iniimbak ito sa cold storages sa Luzon. Unti-unti lang nilalabas para ibenta nang mahal sa palengke.

Bago mag-ani ang mga magsisibuyas, mas lalong nag­papasok nito ang kartel mula abroad. Binabaha ng puting­ sibuyas ang merkado. At dahil puno ng sibuyas ang cold storages, biglang bagsak ang presyo sa farm gate. Pina­pakyaw ng kartel nang mura ang local na ani. Palugi nag­bebenta ang magsasaka. Mabawi man lang ang bahagi ng P300,000 puhunan kada ektarya bago mabulok ang tanim na sibuyas.

Matagal na ring nilahad ang solusyon. Magtayo ang gobyerno ng marami pang cold storages. Hikayatin din ang pribadong sector dito. Pakyawin ng gobyerno ang 50% ng aning sibuyas sa presyong hindi lugi ang magta­tanim. Ipasa ito sa retailers sa palengke para mabawi ang puhunan ng gobyerno. Masaya lahat: magtatanim, tindera, mamimili. Patay ang kartel.

SIBUYAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with