^

PSN Opinyon

Masamang epekto ng POGO  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa pagkakaladkad sa masamang epekto ng ope­rasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) naglabas ng pahayag ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) upang maunawaan ng sam­bayanan. Ayon sa Pagcor ang sinumang indibiduwal­, grupo o entity na nagsasagawa ng online na pagsusugal nang walang pag-apruba mula sa kanila ay hindi dapat ikate­goriyang POGO.

Ayon kay CEO Alejandro Tengco, ang operasyon ng POGO ay mahigpit na sinusubaybayan ng ahensiya. Anu­mang gaming entity na mabibigo sa makapasa sa proseso ng aplikasyon para sa isang offshore gaming license at makatugon sa mga kinakailangan sa dokumentaryo at pinansiyal ay hindi matatawag na POGO. Ayon pa kay Tengco, ang Pagcor ay tuluy-tuloy ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya tulad ng Department of Justice, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Kaugnay sa mga nagaganap na kidnapping noong Set­­yembre ay halos sunud-sunod ang pagsalakay ng PNP at NBI sa mga condo units kung saan na-rescue ang mga Chinese, Vietnamese at iba pang lahi na umano’y kaga­gawan ng dayuhang sindikato. Awayan daw ng POGO personnels ang ugat at utang ng mga natatalo sa sugal. Dahil dito, nagiging battle ground ang Pilipinas. Ang tini­tingnan ay kung bakit dumami ang POGO at hindi na-monitor ng Pagcor. Kaya masama ang epekto sa Pagcor.

Nilinaw ni Tengco na mapapadali na ang pagsalakay sa illegal POGOs. Ayon naman sa Pagcor, mayroong 34 na aprubadong POGO operators sa bansa, 127 accredited service providers at five special class ng BPOs.

Ang mga tauhan ng customer relation service provider, gaming software platform provider at live studio at streaming provider ay dapat kumuha ng mga lisensiya sa pagtatrabaho sa paglalaro at pati police clearance. Asahan sa mga susunod na araw ay maghihigpit na ang Bureau of Immigration sa pagpapasok ng mga dayuhan. Ang mga natitira pang lungga ng sindikato ng mga dayuhan ay siguradong matutumbok na ng PNP at NBI. Abangan!

PAGCOR

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with