^

PSN Opinyon

Ang problema sa bagong teknolohiya

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Hinihimok ni Presidente Bongbong Marcos ang lahat ng local government units na gumamit ng makabagong tek­nolohiya sa pagpapatakbo ng pamahalaan at paglilingkod sa mamamayan.

Kapag sinabing modern technology, ang unang naiisip­ natin ay ang paggamit ng internet na totoo namang nagpabilis sa paghahatid ng serbisyo sa taumbayan. Halimbawa, sa pamamahagi ng ayuda at paglilipat ng pondo mula sa national government tungo sa local government, sa halos isang iglap ay nagagawa na ito.

Mabilis ang komunikasyon at puwedeng mag-video conferencing ang mga opisyal ng pamahalaan kahit ang iba sa kanila ay nasa ibang bansa. Pero ganap na ba tayong handa sa ganitong modernong sistema?

Nang unang maupo si President Duterte, ang pangako niya ay libre at mabilis na internet service. Hanggang ngayon, palpak pa rin dahil napakabagal ng Internet service kahit pa pinapasok ng kanyang administrasyon ang isa pang player sa larangan ng telecommunications. Isang nabigong political promise iyan ng dating presidente.

Ang isa pang problema ay madaling mapasok ng hackers ang individual accounts ng ilan sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng on-line banking marami nang nanakawan nang malaking pera dahil may mga hackers na napasok ang kanilang cyber account.

Kunsabagay, may ganyan ding problema kahit sa ilang mauunlad na bansa ngunit mas masahol ang problema­ natin­ sa Pilipinas na pati identity ng isang tao ay maaaring­ na­kawin ng hacker. Sa ating bansa, kailangan pang ma-master ng pamahalaan kung paano lalabanan ang cyber crimes.

Nakadidismaya na sa pag-unlad ng teknolohiya, ang unang nakikita dito ay cyber criminals.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with