^

PSN Opinyon

Ipagpatuloy ang Malasakit Centers

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Hindi maikakaila na mapasaang lupalop man ng bansa ay talagang karamihan sa ating mga kababayan ay walang kakayahang maidala sa pagamutan ang kanilang mga maysakit lalo na ‘yung kailangang maipaospital.

Makikita natin ang ating mga kaawa-awang kababayan na nasa labas lang ng emergency rooms ng mga public hospitals natin dahil hindi nga makapasok at isa na roon ang paghihintay nila ng results ng kanilang RT-PCR o swab test na requirement bago makapasok sa ospital ang isang pasyente ay kailangan itong may negatibong resulta sa swab test.

Ngunit marami rin ang mga nasa labas ng mga ospital dahil nga wala rin silang pambili ng gamot o ng mga gamit para sa treatment ng kanilang pasyente.

Kaya nga malaking tulong din ang may higit 130 Malasakit Centers na na-established noong panahon ni President Duterte sa pamamagitan ng pagsisikap ni Senador Bong Go upang maibsan din ang hirap sa pag-access ng funding agencies gaya ng DSWD, PCSO, Pagcor, PhilHealth at kung ano pa man upang sa isang area na lang pupunta ang mga bantay ng mga pasyente at nang matugunan ang pangangailangan sa bayad ng pagpagamot.

Hindi man maintindihan ng mga nakaaangat sa atin ngunit sa mga kababayan nating naghihikahos sa hirap malaking tulong ang Malasakit Centers na na-institutionalized na nga noong isang taon.

Sana naman huwag nilang tigilan ang patuloy na ­operasyon ng Malasakit Centers sa lahat ng sulok ng bansa. Kailangan ng mamamayan ang mga ito.

RT-PCR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with