^

PSN Opinyon

‘Right to match’ sa STL bidding, ipinabasura ni Sen. Tulfo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Ipinabasura ni Sen. Raffy Tulfo ang “right to match” na proseso sa bidding ng palaro na Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office dahil naging ugat lang ito ng corruption. Sa Senate hearing, tinawag ni Tulfo na “unfair” para sa nanalong bidder na sa bandang huli ay natalo pa dahil ang natalong bidder ay puwedeng mag-avail ng “right to match” na proseso ng PCSO.

Ipinaliwanag ni Tulfo na sa prosesong ito ay pabor sa gambling lord na si Bong Pineda dahil mas marami siyang pera sa mga kalaban n’ya. Ginamit ni Pineda ang “right to match’ para makuha ang mga “choice” niyang probinsiya, di ba mga kosa? At kapag hindi pa nahinto itong proseso ng PCSO, madagdagan pa ang STL franchise ni Pineda. Eh di wow! Kasalanan pa ni Pineda kung marami siyang hawak na STL dahil nag-uumapaw ang pitsa niya. Dipugaaaaa!

Ibinigay na halimbawa ni Tulfo ang open bidding ng PCSO noong 2017 kung saan si Pineda ay nag-bid ng P36 milyon samantalang ang baseline ay P90 milyon. Siyempre, natalo si Pineda, ani Tulfo. Subalit na-invoke ni Pineda ang “right to match” ng PCSO, nilampasan lang ng konti ang winning bid at presto...sa kanya na ang STL ng probinsiya. “Dapat, pag nanalo na, nanalo na. ‘Pag natalo na, natalo na. Ganon po talaga ang essence of bidding. Kapag natalo ka na, better luck next time,” giit ni Tulfo, ang vice chairman ng Committee on Games and Amusement.

Itong proseso ng PCSO ay pumapabor lang sa gambling lords na maraming pera at “unfair” ito sa mga maliliit na kapitalista, aniya. Nagiging ugat pa ito ng corruption kaya sa nalalapit na open bidding sa STL, hinikayat ni  Tulfo ang PCSO na ibasura na ang “right to match” na proseso. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Magiging level na ang playing field sa bidding ng STL dahil kay Tulfo. Mismooooo!

Iginiit naman ni PCSO chairman Junie Cua na itong “right to match” ay ipinairal noong wala pa sila sa puwesto. Aniya, uutusan niya ang kanyang mga empleado na rebisahin ang alituntunin ng STL bidding para hindi na maulit ito. Inihambing ni Cua ang “right to match” sa Swiss Challenge kung saan dapat bago mag-bidding isagawa ito. Subalit kapag tapos na ang bidding saka i-invoke ito, abayyyy mali ito, ayon pa kay Cua. Nangako naman si Cua na ang PCSO ay mag-cooperate sa imbestigasyon ng Senado at ang lahat ng hinihinging dokumento ni Tulfo ay isu-submit nila ito. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Mukhang may espiya si Tulfo at ang dami niyang alam sa operation ng PCSO. Abangan!

vuukle comment

PCSO

STL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with