^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Regular drug test sa PUV drivers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Regular drug test sa PUV drivers

Dalawang bus drivers ang nagpositibo sa paggamit ng droga. Nagsagawa ng random drug testing ang Land Transportation Office (LTO) sa Araneta Bus Center terminal noong Huwebes. Mahigit 90 bus drivers ang isinailalim sa drug test.

Nararapat na gawing regular at sana ay sorpresang pag-drug test para ganap na malaman ang mga driver na sabog sa droga. Delikado kung patuloy na magmamaneho ang mga driver na ito. Inilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero. Marami nang malalagim na aksidente ang nangyari dahil nasa impluwensiya ng droga ang driver. Huwag nang hayaang makapagmaneho pa ang mga mahuhuling positibo sa droga.

Inumpisahan na rin lang ng LTO ang pagsasa­ilalim sa drug testing ng PUV drivers, dapat na rin namang paigtingin ang Republic Act 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act). Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Bibigat naman ang parusa kapag mayroong napinsala at namatay. Magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 kapag may napinsala at namatay kapag napatunayang nagmaneho nang lasing o lango sa droga. May katapat din itong mahabang pagkakakulong.

Sa kabila na mayroong batas, marami pa rin ang nagmamaneho nang lasing at nagaganap ang malagim na aksidente sa kalsada. Walang nahuhuli at napaparusahan. Naging dekorasyon ang RA 10586. Pagkaraang pagdebatehan ng mga mambabatas ay mawawalan din pala ng silbi dahil hindi pinatutupad ng mga awtoridad.

Malaking katanungan din kung may sapat na kakayahan ang mga traffic enforcers na malaman kung nasa impluwensiya ng alak ang driver na sangkot sa aksident. Mayroon bang equipment ang traffic enforcers para ma-detect ang level content ng alcohol sa katawan.

Hindi naman kaya sinusuhulan na lang ang traffic­ enforcers para makalusot ang nagmamaneho nang lasing. Kung ganito ang nangyayari, talagang inutil ang batas. Sana maipatupad ito ng LTO at iba pang ahensiya upang maiwasan ang malalagim na aksidente sa kalsada.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with