^

PSN Opinyon

Basta sugal ‘bad’ ‘yan!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tutol si Albay 2nd district Rep.Joey Salceda na tulu­yang ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Katuwiran niya - magpapatuloy rin daw ang operasyon nito sa paraang patago at labag sa batas. Tanong ko kay Cong. Salceda, bakit tutol ka? Makikinabang ka ba ng personal kapag pinayagang magpatuloy ang POGO sa operasyon nito? Hindi naman siguro dahil kilala ko si Salceda bilang matuwid at matalinong tao.

Kung hindi man personal ang benepisyo at gobyerno ang makikinabang, sa tingin ko mas mabigat ang per­wis­yong dulot ng POGO dahil sa nagaganap na kidnapping­ for ransom. Kakatiting lang ang revenue na nakukuha ng pamahalaan.

Sa katuwiran ni Salceda na magpapatuloy ang ilegal­ na operasyon ng POGO kahit ideklarang ilegal, eh di kas­­tiguhin ang mga law enforcers na magpapabaya sa tung­kulin. Tila ang Ibig sabihin ni Salceda ay sugpuin ang mga ilegal sa pamamagitan ng legalisasyon ng mga ito. Naka­katawa!

Marami nang sinirang buhay ang sugal. Marami ang iginupo ng bisyong ito at namulubi. Kung kikita ang pamahalaan kapalit ng kapahamakan ng taumbayan, huwag na lang!

Ang ilegal ay ilegal dahil may kapahamakang dala sa mamamayan. Kung gagawing legal ang sugal, gawin na ring legal ang droga, kidnapping at prostitusyon. Bawas trabaho ito sa law enforcers at magkakamal pa ng salapi ang gobyerno.

Kung ang inaalala ay ang mawawalang kita o revenue ng pamahalaan, may ibang paraan upang magpataas ito. Sugpuin ng siyento porsyento ang graft and corruption na katakutakot na bilyones ang sinisipsip sa kaban ng bayan.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with